^

PSN Showbiz

Fil-Am cinematographer, nanalo sa Oscars!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Fil-Am cinematographer, nanalo sa Oscars!
Autumn
STR/ File

Hindi man napapansin sa Oscars ang pelikulang Tagalog, tagumpay na rin ng Pinoy ang panalo ng Filipino-American na si Autumn Durald- Arkapaw, na unang babae na nanalo para sa best cinematography sa 98th Academy Awards.

Pinay ang ina ni Autumm na si Peggy Bautista at ang ama ay may lahing Black Creole mula sa New Orleans at Mississippi.

Iniuwi nga ni Arkapaw ang inaasam-asam na parangal para sa pelikulang Sinners ni Ryan Coogler.  Nauna na silang nagkatrabaho sa pelikulang Black Panther: Wakanda Forever.

Siya pala ang pang-apat na babae na nominado para sa kategorya at unang Filipino na nanalo rito.

Samantala, nanalong Best Actor si Michael B. Jordan para sa pelikulang Sinners (na nanalo ng apat na award), Best Actress Jessie Buckley sa Hamnet sa Oscars. Si Amy Madigan ang supporting actress para sa Weapons habang ang absent na si Sean Penn ang best supporting actor para sa pelikulang One Battle After Another.

Best Director si Paul Thomas Anderson para sa Best Picture rin na One Battle After Another.

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with