^

PSN Showbiz

Dumalo sa graduation ng basketbolista government official na mataas ang posisyon, pwede sa chick, pwede sa boy!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Dumalo sa graduation ng basketbolista government official na mataas ang posisyon, pwede sa chick, pwede sa boy!

Nagkaroon ng graduation sa isang kilalang unibersidad na dinaluhan ng isang high-ranking ­government official.

Marami ang nagulat dahil hindi naman siya inimbitahan, hindi rin siya guest speaker, at lalo namang walang miyembro ng pamilya niya na kasamang nag-graduate.

Nagtanungan ang mga tao, bakit siya nandun at nakatayo lang daw ito sa may bandang likuran.

Sino ang pinuntahan niyang nag-graduate?

Sa katatanong ng ilang marites, nakarating ito sa isang professor na bading.

Ang sabi, contact daw ito ni government official, dahil ito raw ang may hawak ng basketball players doon.

Ano naman ang koneksyon ni go­vernment official sa basketball players.

Baka may kukunin daw siyang ilang players para sa kanyang basketball team.

Puwede ‘di ba?

Pero may katabilan daw itong si bading na professor, tumataas daw ang kilay niyang naglitanya kung ano ang namamagitan kay high-ranking government official at isang matangkad at guwapong basketball player na isa sa graduates.

Parang ayaw naming maniwala dahil kilalang chickboy itong si government official.

Baka raw ang pagka-chickboy nito ay puwede sa chick, puwede rin sa boy! ‘Yun na!

Graduation... ni Jeric, maraming pinatulog?!

Narinig ko sa ilang miyembro ng entertainment media na pinag-uusapan nila ang pelikulang Graduation Day na pinagbidahan ni Jeric Gonzales.

Ang dami raw sa kanilang nakatulog nang pinanood nila ito sa premiere night noong nakaraang linggo.

Puro pasakit daw ang pinagdaanan ng bidang karakter dito na ginampanan ni Jeric.

Paliwanag ng direktor nitong si Dante Balboa, philosophical film daw ito, na dumaan sa mada­ming pagsubok ang pangunahing karakter.

“Nakakalungkot, ‘di ba? Pero ayun nga, kasi, itong pelikulang ito is about… for us to realize na iyong buhay kasi, hindi natin talaga hawak. It’s up to God,” pakli ni Jeric.

Si Elizabeth Oropesa ang gumaganap na lola rito ni Jeric, at love story raw ito ng mag-lola. “It’s a love story ng grandmother and her grandson. Dito mo mare-realize na kahit gaano mo kalapit sa Diyos, may mga bagay na hindi mo maaaring matanto kaagad. Siya lang talaga ang nakakaa­lam. Katulad ng sagot ng batang ito [Jeric], ‘yun din ‘yung sagot ko.

“But it’s a matter of accepting your fate and believing in God just the same.

“Kasi hindi naman dito ang katapusan.”

Mabigat nga raw ang tema ng pelikula, at sana kahit may kabigatan ito ay makaka-inspire naman sa mga manonood na ang bigat na rin ng mga pinagdaraanan ngayon.

Jojo, ayaw nang balikan si Mark!

Ayaw nang balikan ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez ang ingay na nilikha niya noon, lalo na itong isyu nila ni Mark Herras. Napagtanto niyang hindi nakatulong ito sa pino-promote niyang single sa Star Records.

Pino-promote niya noon ang Somewhere in My Past na kung saan nasangkot pa noon si Mark Herras at naglikha ng gulo.

Ayaw na raw ‘yun dahil naging negatibo ang dating at wala raw naitulong sa kanyang pino-promote.

Aniya, “Hindi siya nakatulong kasi makikita mo ‘yung comments ng mga tao, hindi magaganda. Pero nung dumating na ‘yung mga ginagawa kong charity works, dinepensahan ako ng mga taong natulungan ko, actually sila na ‘yung umiingay for me.

“So dun ko na-realize, ang dami palang nagmamahal sa akin. So, natabunan na siya.”

Mas kinakarir na niya ngayon ang content niya sa kanyang YouTube account na kung saan ay namimigay siya ng tig-isang libong piso sa mga mabubuting tao.

“Nag-start kami niyan sa Baclaran church,” pakli niya.

Tinatanong daw niya kung mabuti ba silang tao, at kapag nagpahayag ito ng kabutihang nagawa niya, inaabutan niya agad ng isang libong piso. “Alam mo motivation sa tao na lagi kang mabuti, e baka minsan kasi nalilimot na ng tao na mabuti siya.

“Napapaalahanan ang mga tao kung ano ang mabuti sa ‘yo, makakatulong sa kanya ‘yun para lalo siyang mabuti.

“Noon kasi basta inaabutan ko lang, walang purpose basta mag-viral ka, merong motivation kang ginagawa. Basta ‘pag mabuting tao ka, may isang libo ka.

“I think ang na-shoot is more than mga 250 na tao na ‘yun, around Metro Manila,” dagdag niyang pahayag.

Kaya naging positibo na raw ito sa kanya at marami na ang natutuwa kesa noong mga kontrobersyal na isyu ang kinasangkutan niya, hindi naman daw nakakatulong sa kanyang singing career.

Kaya ito ang inaalala niya sa huling interview sa kanya ng vlogger na si Ronald Carballo na pawang mga negatibong isyu ang mga itinanong sa kanya at naalangan na siyang sagutin ito. Natakot naman daw siyang mag-walk out, kaya natuloy ang interview.

Ipinakiusap niyang huwag nang ipala­bas sa YouTube channel nito, pero itutuloy pa rin daw ng vlogger.

Matinding katanungan ang ibinato sa kanya at hindi na siya komportable sa panayam na ‘yun.

Kaya kinakausap na ni Jojo Mendrez ang mga abogado niya para ipa-TRO (temporary restraining order) ang naturang content.

MARK

TRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with