Anna Mae Yu Lamentillo, tagumpay sa unang pagsubok

Pumasa rin ang book author/former undersecretary na si Anna Mae Yu Lamentillo sa 2025 Bar Examination sa kanyang unang pagsubok—isang tagumpay na sinabi niyang nakaugat sa pangakong binitiwan niya sa ama sa huli nilang pag-uusap noong 2017.
Sa isang post sa social media na ibinahagi matapos ilabas ang mga resulta, binalikan ni Lamentillo ang sandaling humubog sa kanyang paglalakbay: “Eight years ago, in 2017, my dad and I had our last conversation. Before he passed, I promised him I’d become a lawyer. I’ve carried that promise with me ever since—quietly, stubbornly, even on the days I wasn’t sure I could finish what I started.”
Isinalaysay rin niya sa naturang post na nagpatuloy ang kanyang paghahanda kahit nasa ibang bansa siya. “I brought law books with me to Oxford and studied in between everything because I couldn’t let that promise fade,” sulat ni Lamentillo.
Ibinahagi rin niya na malalim ang ugnayan ng kanyang karanasan sa pagkuha ng Bar Exam sa alaala ng kanyang ama. Ayon sa parehong post: “This was my first time taking the bar, and I walked into it thinking of him the whole way through.”
Matapos ilabas ang resulta ng Bar, sinabi ni Lamentillo na ang matagal na niyang minimithing pangarap ay naging realidad na rin sa wakas: “Today, more than 8 years later, I finally get to put Atty. before my name. Dad, I kept my word. You can finally rest in peace.”
Dati nang nagsilbi si Lamentillo bilang undersecretary sa Department of Information and Communications Technology.
Nagtapos siya sa London School of Economics noong 2025 ng degree na Masters of Science in Cities, at kasalukuyang nasa University of Oxford para sa postgraduate studies.
- Latest

























