Sofronio susugalan ni Michael Buble, may collab kina David Foster at Paul Anka!

Napakasuwerte ng kauna-unahang Filipino and first Asian winner ng ika-26th Season ng The Voice – USA na si Sofronio Vasquez dahil kadikit na nito ngayon ang popular Canadian singer-songwriter, record producer at isa sa apat na coach ng The Voice – USA na si Michael Buble, ang kanyang piniling Team Coach during the audition and competition.
They hit off naturally at naging very supportive ang Canadian singer-songwriter.
?Nang tanghaling Grand Winner si Sofronio sa The Voice – USA nung Dec. 10, 2024, hindi lamang si Michael ang proud sa kanya kundi laluna ang buong bansa who rooted for him.?
?Gumawa siya ng kasaysayan dahil siya ang tinanghal na first Filipino at first Asian winner sa nasabing American singing competition. At magmula noon ay nag-iba na ang takbo ng buhay at karera ng Filipino singer from Misamis, Occidental who moved to Unica, New York, USA nung 2022 to work as dental assistant.
?Unknown to many, siya ay nagtapos ng dentistry pero mas matimbang sa kanya ang pagkanta kaysa mag-practice sa profession na kanyang tinapos.
?Matapos manalo sa The Voice-USA ay minabuti ng Filipino singer na bumalik ng Pilipinas.
Nagkaroon siya ng pagkakataong magbigay-pugay kay President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. nung Jan. 8, 2025 kasunod na rito ang paggawad sa kanya ng Senado ng Senate Resolution #1259 bilang pagkilala sa kanyang achievement.
?Nung March 2025 ay lumagda siya ng management contract with Star Magic ng ABS-CBN kung saan sunud-sunod na ang singing activities sa pamamagitan ng shows and concerts.
Nung nakaraang July 28, 2025, siya ang napiling umawit ng Lupang Hinirang (a capella) sa ika-apat na SONA (State of the Nation Address) ni PBBM.
?Ang isa pang magandang balita, his The Voice-USA coach na si Michael Buble is producing him an EP (extended play) kung saan ang isa sa mga kanta (included in the EP) ay si Michael mismo ang composer.
Kasama rin sa magku-collaborate sa kanyang EP ay ang dalawa pang Canadian music icons na sina David Foster at Paul Anka.
?Since malapit na sa isa’t isa sina Michael at Sofronio, hinihikayat ng huli na muling bumalik sa Pilipinas for another major concert o ‘di kaya maging special guest sa kanyang future concert at ito’y pinag-aaralang mabuti ng singer-songwriter and record producer.
Architect, sumugal sa pelikula!
??Alam mo, Salve A., hanga kami sa bagong film producer na si Ana Capuno, isang successful architect from Legaspi City dahil hindi ito natakot na mag-produce ng pelikula na walang kasiguraduhan ang ROI or return of investment.
?Alam naman nating lahat na tila ‘suntok sa buwan’ ang pagpu-produce ngayon ng pelikula dahil mas marami ang hindi kumikita kesa kumikita.
Hindi na rin garantiya ang star value ng cast maging ang kuwento at director.
Pero sumugal si Architect Ana Capuno ng Gridline Film Production na siyang producer ng pelikulang may puso, ang Outside de Familia mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan.
Tampok sa nasabing pelikula sina Gelli de Belen, Luis Alandy, Ruby Ruiz, Shiela Francisco together with Matet de Leon, Rey ‘PJ’ Abellana at Peewee O’Hara at kung saan naman ipinapakilala ang batang singer-actor na si Dwayne Garcia.
Ito’y nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide sa darating na Aug. 27, 2025.
?“May halong kaba pero umaasa kami na sana’y suportahan at tangkilikin ang movie namin dahil maganda ang kuwento at pagkakagawa ni Direk Joven Tan,” pahayag ng bagitong movie producer.
- Latest




















