PANOORIN: Ruffa Gutierrez masayang nakabalik sa GMA-7
June 24, 2025 | 3:36pm
Manila, Philipines — Ibinahagi ng aktres na si Ruffa Gutierrez na masaya siyang makabalik sa GMA matapos ang mahigit dalawang dekada.
Sa press conference ng kanyang seryeng "Beauty Empire," sinabi ni Ruffa na sa GMA nag-simula ang kanyang showbiz career noong 14 taong gulang pa lamang siya bilang bahagi ng programa ng yumaong si Kuya Germs na pinamagatang "That's Entertainment."
Makakasama ni Ruffa sa "Beauty Empire" sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Sam Concepcion at Korean actor Choi Bo-min.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended