^

PSN Showbiz

Fyang Smith, certified recording artist

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Fyang Smith, certified recording artist
Fyang Smith

Ganap nang recording artist ang Pinoy Big Brother: Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith matapos ilunsad ang kanyang five-track debut EP na Forever Fyang tampok ang  Mishu (Nasaan Si Fyang?) at Tayo Hanggang Dulo na nasungkit agad ang una at ikalawang pwesto sa iTunes Philippines songs chart.

Ang lyric videos ng dalawang kanta kung saan tampok ang kapwa niya PBB Gen 11housemate na si JM Ibarra ay umani na ng mahigit 100,000 views. Mula sa komposisyon nina Trisha De­nise at Dennis Campaner ang Mishu habang isinulat nina ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at Perry Lansigan ang  Tayo Hanggang Dulo.

Tampok sa mini album ang feel-good vibes at kwento ng pag-ibig magmula sa kilig hanggang sa pagkakaroon ng pangmatagalang koneksyon.

Kabilang din dito ang tatlong bagong kanta na Clingy AF na isinulat ni Gabriel Tagadtad, Kaya Mo Ba nina Jeremy G at Jarea, at Para Shoot na mula sa award-winning composer na si Jungee Marcelo.

Nagsilbing overall producer ng EP ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Nagpasiklab si Fyang sa Forever Fyang  album launch na naganap noong Linggo (Hun. 22) sa New Frontier Theater. Nakasama niya bilang special guests ang dating PBB Gen 11 housemates na sina Kai Montinola, Kolette Madelo, Rain Celmar, JM Ibarra, at ang Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

Pakinggan ang debut EP ni Fyang na available sa iba’t ibang streaming platforms at samahan siya  Forever Fyang album launch at fan meet ngayong Linggo (Hun. 22).

ARTIST

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with