^

PSN Showbiz

Jhong, best man ni Ryan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jhong, best man ni Ryan
Jhong Hilario

Sa susunod na taon na gaganapin ang kasal nina Ryan Bang at Paola Huyong. Ang co-host sa It’s Showtime na si Jhong Hilario ang napiling maging Best Man ni Ryan para sa kasal nila ni Paola. “Siyempre ako, sa puso ko, sa buong buhay ko, pinakamalapit sa akin na kaibigan ay si Kuya Jhong Hilario, pinaka-close ko. Sa loob ng Pinoy Big Brother, pumasok ka. tapos no’ng nag-guest ako Showtime, naging Hurado ako. Gina-guide ako gaya ni Mommy Vice (Ganda). Eh si Mommy Vice, kung kunin ko siyang Best Man, magagalit ‘yon, nanay ko ‘yon eh,” nakangiting pahayag ni Ryan sa kanyang YouTube channel.

Madalas na nagkakasama sina Ryan at Jhong kapag walang trabaho. Nakatatandang kapatid na umano ang turing ni Ryan kay Jhong. “Para talaga tayong more than tunay na kapatid. Sabi ko, ‘Lord, bakit ako nag-iisa? Gusto ko sana may kuya ako, may kapatid ako.’ Ikaw ‘yung gift sa akin ni Lord. Kayo lahat, sina Kuya Vhong (Navarro) pero kuya Jhong, ikaw ang idol ko. Sa sobrang bait mo sa lahat, kaya gusto kong maging ikaw,” pagbabahagi ni Ryan kay Jhong.

Paola Huyong

Talagang malaki ang paghanga ni Ryan kay Jhong lalo na sa pagiging ama ng huli kay Sarina. “Bilang ama, grabe ‘yung tiyaga mo kay Sarina. Kaya gusto ko maging ikaw ‘yung Best Man ko,” giit ni Ryan.

“Siyempre nandoon ako, siyempre tatanggapin ko ‘yan kasi para maging isang Best Man ni Ryan Bang na mapili ako, malaking karangalan ‘yan. Siyempre marami na tayong pinagsamahan. Ako masaya ako dahil tinuring mo akong kapatid at kuya. Alam ko kung gaano kahirap ‘yung makipagsapalaran dito sa Pilipinas na walang pamilya, ikaw lang mag-isa. Pero nakahanap ka ng totoong pamilya, pangalawang pamilya mo, kay Vice, sa akin sa buong Showtime. Kaya sobrang happy kami na finally gusto mo nang magkaroon ng pamilya. Dati parang batang kapatid ka lang namin, anak ka lang ni Vice. Pero ngayong mature ka na, marami na ang pinagdaanan mo, naka-survive ka. Ngayon naglu-look forward ka na bilang maging isang asawa. So sobrang saya namin,” nakangiting paglalahad ni Jhong.

Napagkamalang engaged!

Importante para kay Janine Gutierrez na mapangalagaan ang kanyang kalusugan. Sa uri ng trabaho ng aktres ay kinakailangan daw na binibigyang halaga ang pag-aalaga sa sarili at sa pamilya. Madalas ding napag-uusapan ng dalaga at kasintahang si Jericho Rosales ang tungkol dito. “

Noong Abril ay naging kontrobersyal ang kampanya ng healthcare company na iniendorso ng aktres.

Sampung bangka ang pumalaot sa Boracay na mayroong nakalagay na ‘Janine Gutierrez Said Yes!’ Nagkaroon ng mga espekulasyon na naganap na ang engagement nina Janine at Jericho.

Hinihikayat ni Janine ang lahat na bigyan ng importansya ang kalusugan at pakaingatan ang bawat sarili. “Really take care of your health, live life to the fullest, and always find the best partner. At the end of the day, it’s really the people around you na talagang makakaangat sa ‘yo in times of need,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with