^

PSN Showbiz

Gerald hindi pumatol sa pang-iintriga sa pulitiko!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gerald hindi pumatol sa pang-iintriga sa pulitiko!
Gerald Anderson

Bongga si Gerald Anderson.

Walang care sa mga intriga sa kanila.

Basta concentrated siya sa action-drama na comeback teleserye niya pagkatapos ng tatlong taon, ang Sins of the Father, na nag-umpisa nang mapanood kahapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC.

‘Di ba kesyo may pulitiko raw na involve kaya siya nakabili ng bahay sa isang exclusive subdivision at gym daw.

Of course, fake news yarn.

Nakakaloka na kailangan talaga siyang pagdudahan samantalang nagdiriwang siya ng kanyang ika-19 taon sa showbiz, of course marami na siyang naipon.

Na true naman.

Magkano ba ang talent fee niya sa mga ginawa niyang teleserye at pelikula?

Siyempre milyUng-milyon.

May mga endorsement pa siya. So sure ako na marami siya datung at kaya niyang bumili ng sariling mansyon at kahit mara­ming gym.

Kaya nakakaloka na iniintriga siya na may beneficiary pa noh.

Good idea na hindi pumapatol si Gerald sa mga pang-iintriga ng mga tao sa kanya.

Anyway, makakasama nila ni Gerald si Jessy Mendiola sa star-studded series ganundin sina Shaina Magdayao, Francine Diaz, Seth Fedelin, JC De Vera, RK Bagatsing, Lotlot de Leon, John Arcilla, Joko Diaz, at Tirso Cruz III.

Kabilang din sa cast sina Soliman Cruz, Malou Crisologo, Nico Antonio, Jerald Napoles, Alex Medina, JV Kapunan, LA Santos, Jeremiah Lisbo, Elyson De Dios, Clave Sun, at Cailey Magno.

GERALD ANDERSON

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with