^

PSN Showbiz

Gabby may misyon sa karagatan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gabby may misyon sa karagatan!
Gabby Concepcion at Ina Alegre

Naimbitahan kami ng Pola Mayor Jennifer Cruz na mas kilalang si Ina Alegre sa Sab-uyan festival sa kanyang bayan sa Pola, Oriental Mindoro.

Ilang araw ang selebrasyon.

Meron silang search for Ms. Pola 2025 noong Linggo, at special guest nila rito si Gabby Concepcion.

Pinagbigyan lang ng aktor ang hiling ni Mayor Ina na mag-serenade sa mga kandidata, at kailangan niyang bumalik ng Maynila agad dahil may taping pa siya sa My Father’s Wife na nagsimula na sa afternoon drama kahapon.

Ibinahagi sa amin ni Mayor Ina na meron pala silang pag-uusap ni Gabby na gagawin para sa mga karagatan sa Pola.

Hindi lang daw niya maibabahagi muna sa ngayon kung ano ito, pero maganda raw ang naisip ni Gabby na tila may rehabilitation sa karagatan.

Hindi raw talaga kasi nabalik pa ang dating kayamanan sa kanilang karagatan pagkatapos ng oil spill noong 2023.

“Until now, meron ka pang nakikitang tar balls, may nakikita ka pang ano, at hindi pa talaga nakakabangon.

“Nalinis lang natin yung dalampasigan, pero hindi pa talaga ganun karami ang huli. Would you imagine dati yung shells, nakukuha lang natin sa mga gilid gilid ng dagat, wala pa until now.

“Ang recovery siguro mga after 10 years. Mabigat pala, yung mga shells wala kang makukuha diyan.

“Yung dati, pag nasa tabing dagat ka, ang hanapin mo na lang bigas. Ngayon hindi na, hanapin mo na rin pati pang-ulam,” saad ni Mayor Ina.

Kaya Natuwa siya sa magandang proposal ni Gabby para sa kanilang karagatan.

“Ngayon, nag-propose sa akin si Gabby. Hindi ko pa puwede i-announce e. Pero napakaganda ng project. Makakatulong ito sa mga mangingisda. Sobrang tulong nito,” bulalas ng Pola Mayor.

“Bilib ako kay Gabby. Sobrang galing niya pagdating sa pag-iisip tungkol sa kalikasan. Dagat boy yun e.

“Meron talaga siyang naisip na matagal na raw niyang project iyun. Pero, ngayon lang niya ilu-launch sa Pola,” sabi pa ni Mayor Ina.

May maganda pa rin daw siyang film project tungkol sa nangyari sa kanilang bayan nung nagka-oil spill. Hindi pa raw niya naayos nang husto, dahil mas tinutukan daw muna niyang matapos itong kaso nila sa kumpanya ng barko na naging sanhi ng oil spill.

Dinadaluhan daw niya lahat na hearings nito para mabigyan lang daw ng hustisya ang mga mangingisda nila na naapektuhan nang husto.

“Ongoing pa kasi yung case e. Kailangan kong hintayin. Kailangan managot yung sumira ng  kalikasan. So, hinihintay ko yun,” dagdag niyang pahayag.

Ngayong araw ang kanilang sabuyan, at kagabi naman ay ang masayang Latiti Hydroparty na dinaluhan nina Beauty Gonzalez at Dominic Roque kasama ang mga bandang Tropical Depression at Repakol, pati ang mga basketbolistang si Arwind Santos at Alex Cabagnot.

Docu ni Pilita, tuloy pa rin

Gustong ituloy ni Janine Gutierrez ang nakaugalian nilang Sunday bonding na dati nilang ginagawa sa bahay ng Mamita niyang si Pilita Corrales.

Iyun daw ang na-miss nila magmula nang pumanaw ang Mamita niya.

Itinuloy na rin ngayon ni Janine ang documentary kay Pilita Corrales na ipo-produce niya.

“Actually, last year lang talaga namin naumpisahan yung interviews. Pero siyempre nag-off ako kasi yung health issues ni Mamita, yun na yung naging priority ko. Parang hindi ko din ginusto na i-film pa siya considering her condition. Yung parang mas ginusto na lang namin to spend time with her.

“Kasi sa tingin ko, marami namang footage talaga na magagamit sa decades long career niya,” sabi pa ni Janine Gutierrez.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with