Alden, may hamon sa airline!

May mga hindi pumabor na kinol-out ni Alden Richards ang Cathay Pacific dahil sa nasira niyang mamahaling Colnago bike.
Maayos ang post ni Alden na “Shoutout to @cathaypacific for fracturing my bike frame and unloading my bikebox and bike rack on my way home to the Philippines. Please do something about this.”
Pinost ng aktor ang parte ng bike na parang nabali at marami nga ang nag-react at pati sila, kinol-out din ang airline. Siguro raw ibinalibag ng porter ang bike case nang i-unload ang cargo sa airport, kaya nabale ito.
May naglatag din ng dala na hassle kay Alden sa nangyari sa bike dahil mahirap hanapin ang spare parts kapallit ng damaged part. Imported ang bike kaya imported din ang spare parts at baka abutin ng three months bago dumating kapag in-order. Dusa rin daw na dahil sira ang bike mo, ilang months mo rin itong hindi magagamit.
Sabi ng mga hindi pumabor sa ginawa ni Alden to call out the airline on social media masisira ito. Ayun, kinuyog siya ng mga netizens pati ang nag-comment na bakit sa social media nagsumbong si Alden, bakit hindi siya mag-file ng complain na siguro naman, ginawa na nito.
May mga nag-comment na biktima rin nang improper unloading ng Cathay Pacific at nagpasalamat sila kay Alden na naiparating sa airline ang nangyari sa kanya para hindi maulit sa ibang pasahero.
Kahit hindi siguro half a million ang price ng Colnago bike ni Alden (P521,600 daw ang presyo), magre-react pa rin ito kung ibang gamit niya ang nasira ng airline.
Mabuti at may ibang bike ang aktor na magagamit niya sa pagbibisikleta.
Jennylyn nagbura ng resbak
Deleted na sa Facebook ni Jennyln Mercado ang nag-comment ng hindi maganda patungkol sa anak niyang si Jazz. Hindi na rin mahanap ang sagot ni Dennis Trillo na “May problema po ba kayo sa may Autism?”
Nauna rito, sinagot din ni Dennis ang nag-comment ng parang malamya raw si Jazz ng “Wow hiyang hiya naman ako sa pagmumukha mo.”
Pinuri nga mga netizens si Dennis sa pagdepensa kay Jazz at kinuyog ang netizens na nag-comment ng negative kay Jazz. Kahit daw hindi si Dennis ang biological dad ni Jazz, tunay na ama ang turing at pagmamahal niya rito.
Pati ang anak ni Dennis na si Calix, napuri rin ng mga netizens sa care at trato niya kay Jazz. Mapapanood sa reels video na sinabayan ni Calix si Jazz sa paglalakad at inakbayan pa.
Super caring daw si Calix at protective kay Jazz.
Pinuri rin sina Jennylyn at Dennis sa pagpapalaki niya sa kanilang mga anak at kahit blended family sila, ramdam mo ang love at care sa kanila at sa mga bata.
Anyway, si Dylan lang ang isinama nina Jennylyn at Dennis sa taping nila ng Sanggang-Dikit FR sa Europe at Dubai.
Two weeks ang DenJen sa ibang bansa.
Rated K nasa ALLTV na rin
Mapapanood na rin pala ang Rated K ni Korina Sanchez sa ALLTV simula June 29, and every Sunday, 8:30-pm.
Pero, delayed telecast daw sa ALLTV ang show ni Korina dahil airing ito every Saturday, 4pm., sa TV5 at sa Kapamilya Channel at A2Z 9:30.
May nag-comment tuloy na balik-Channel 2 ang show ni Korina dahil sa frequency ng ABS-CBN ang ALLTV. Pati nga raw original time slot ng show ni Korina, binalikan, kaya masaya ang mga fans ng TV host at fans ng ABS-CBN.
May nalungkot naman sa set up na ito dahil gusto nila na sa original na ABS-CBN mapanood ang Rated K at pati ang ibang shows ng ABS-CBN na nangawala dahil sa nangyari.
- Latest