Globe at Canvas, naglunsad ng year-long exhibit

Bibigyang-kulay ang bulwagan ng National Museum sa pakikipagtulungan ng Globe sa Center for Art, New Ventures and Sustainable Development (CANVAS) para ilunsad ang isang natatanging year-long exhibit na pinamagatang Tumba-Tumba: A Retrospective.
Bilang pagdiriwang ng ika-20 taon ng CANVAS sa pagsusulong ng children’s literacy and Philippine art and culture, tampok sa exhibit ang mga interaktibong installation, kapana-panabik na artworks, at makapangyarihang mga kwento – lahat ay inihanda nang may pokus sa kabataan. Dinesenyo upang pukawin ang imahinasyon at pag-uusap, iniimbitahan ng exhibit ang mga bata na tuklasin ang kanilang mga karapatan, ang kapangyarihan ng pagkamalikhain, at kung paano gumalaw sa isang mundo na tuluyang nagiging digital.
Isa sa mga tampok ng exhibit ay ang award-winning na Safe Space: A Kid’s Guide to Data Privacy, isang aklat na kapwa nilikha ng Globe at CANVAS na nakatutulong sa kabataan na maunawaan ang kahalagahan ng personal na impormasyon at kung paano manatiling ligtas sa digital world.
Ang exhibit na ito ay nagsisilbi ring patikim sa nalalapit na Tumba-Tumba Children’s Museum of Philippine Art ng CANVAS, na kasalukuyang itinatayo sa Ibaan, Batangas.
Halos isa’t kalahating oras lamang ang layo mula Maynila, ito ang magiging kauna-unahang museo ng ganitong uri sa bansa – isang espasyong alay sa mga kabataang Pilipino, storytelling at pagkamalikhain.
Ang suporta ng Globe para sa exhibit ay bahagi ng mas malawak nitong layunin na pangalagaan ang karapatan ng kabataan online.
Sa nakalipas na tatlong taon, higit sa isang milyong URL na may kaugnayan sa sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) ang aktibong bino-block ng Globe, at kamakailan ay pinalawak pa ang proteksyon upang masaklaw ang mga AI-generated at non-photographic content.
Sa pamamagitan ng exhibit na ito, patuloy nilang isinusulong ang responsableng paggamit ng digital na teknolohiya .
Nagbukas sa publiko ang Tumba-Tumba exhibit sa noong Hunyo 13, 2025 at tatagal ito sa Pambansang Museo nang isang buong taon.
iWant nag-iba ng hitsura
Mas pinasaya at mas pinadali na ang panonood sa iWant, ang Home of Filipino Feels, simula noong Hunyo 12 sa smart TVs.
May bagong itsura ang iWant para sa mas mabilis, mas malinaw, at mas maayos na panonood ng paborito mong mga palabas, pelikula, at live content. Mas madaling hanapin ang trending, bagong episodes, at mga kilig, senti, o gigil na eksena, depende sa mood mo.
Mas pinalawak na pagpipilian ng mga palabas mula sa telebisyon gaya ng FPJ’s Batang Quiapo, mga pelikula, at online series na swak sa mood at vibes ng mga manonood — mula kilig, gigil, hanggang senti at iba pa.
Bida rin sa bagong iWant ang iWant Originals series gaya ng Love at First Spike na pinagbibidahan nina Emilio Daez, Sean Tristan, at Reign Parani; trending na mga palabas gaya ng PBB Collab Celebrity Edition; at mga eksklusibong content gaya ng dokyu tampok ang nation’s girl group na BINI at director’s cut ng MMK ni Charo Santos.
Bagong-bago rin ang itsura, mas mabilis ang loading, at mas malinaw na masisilip ang mga bidyo kaya swak ito sa malalaking TV screen sa bahay.
Patikim pa lang ito bago ang paglunsad ng bagong iWant sa Hulyo, kung saan magiging available na rin ang bagong experience sa mga cellphone at tablet.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood.
Available rin ito sa Chromecast at AirPlay. gram, TikTok, at Threads o bisitahin ang?corporate.abs-cbn.com/newsroom.
- Latest