^

PSN Showbiz

PGT grand winner naipanalo ng trumpo

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
PGT grand winner naipanalo ng trumpo
Cardong Trumpo

TANGING ang galing sa larong trumpo ang talento ng tinanghal na grand winner sa Pilipinas Got Talent Season 7!

Napanood namin ang bahagi ng video ng ipinanalo niya Ka­ha­nga-hanga at kakaiba naman siya sa usual winners sa reality search!

Ayon sa pahayag nang tinawag na si Cardong Trumpo, isang kilong bigas lang ang pangarap niya. Eh dahil sa ma­laking panalo, sobra-sobrang biyaya ang natanggap niya!

Sana’y mabigyan pa siya ng maraming biyaya sa panalo ni Cardong Trumpo!

Chavit, nagbukas ng coliseum

WORLD-CLASS ang Chavit Coliseum na matatagpuan  sa Vigan, Ilocos Sur na nagbukas para sa bagong season ng PVL on Tour.

Pinangunahan ng dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson ang 9,000-10,000 seater  multi-purpose complex.

Isinabay sa 50th birthday ni Gov. Chavit ang opening ng coliseum kaya naman more than 50 birthday cakes ang kanyang hinipan!

Sa Facebook eh makikita ang nakakalulang ganda ng Chavit Coliseum na very soon eh marami nang events ang mapapanood!

Tama ang desisyon ni Gov. Chavit na umatras sa pagtakbo bilang senador dahil kahit hindi siya senador ay marami na siyang ginagawa hindi lang sa showbiz industry kundi maging sa sports world, huh!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with