^

PSN Showbiz

‘Dahil sa chismis’: Kaklase ni Marian, binalikan ang alitan nila noon

Jan Milo Severo - Philstar.com
‘Dahil sa chismis’: Kaklase ni Marian, binalikan ang alitan nila noon
Actress Marian Rivera-Dantes in a January 2025 post on her Instagram account.
Marian Rivera via Instagram

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng dating kaklase ni Marian Rivera na minsan umano silang parehong nasuspinde noong high school matapos ma-involve sa isang gulo.

Sa isang Facebook post na ngayon ay burado na, ikinuwento ni Ivy Manzon-Bo ang insidente matapos mapanood ang interview ni Marian kay Karen Davila, kung saan sinabi ng Kapuso actress na napatawad na niya ang mga babaeng nakaalitan niya noon.

“2nd HS sa SFACS Bayanan. 'Yung binuhusan ako nung high school dahil sa maling balita nakarating a kanya. Ending we both ended up sa guidance and nasuspend sa class for a week. Naglinis ng canteen as parusa and natanggal sa varsity,” kwento ni Ivy.

“Pinatawad na kita Marian Rivera Gracia. Hahaha. Ang dahilan kasi mahilig siyang maniwala sa chismax. She is a good friend way back. Seatmates pa nga kami e. Since magkasunod ang surname namin,” dagdag niya.

May nag-'Marites': Ayon kay Ivy, magkasama sila sa dance group at varsity team noon. Pero nagbago raw ang lahat nang may isang kaklase silang nag-"Marites" at siniraan siya kay Marian.

“Kasama sa dance group, kasama sa varsity then may isang marites na classmate ang siniraan ako sa kanya at Ayun si ate mo girl naniwala naman. Kaya sumugod nung may dala ng softdrinks na nasa plastic. Pinatawag [parents] namin.”

Nilinaw naman ni Ivy na wala na silang problema ngayon ni Marian. Huli raw silang nagkita sa GMA noong panahong kasama niya ang 6Cyclemind at Callalily sa "SOP," na panahon din ng "Marimar" days ni Marian.

“Pero ok naman na kami last kaming nagkita sa GMA nung kasama ko ang 6Cyclemind and Callalily sa 'SOP.' Paramg 'Marimar' days niya. BTW 'yung pic na yan lumabas sa 'Showbiz Central' interview niya,” ani Ivy.

“People change lahat naman nagbabago habang tumatanda. Let’s not be quick to judge kasi gusto niyo lang naman din ng 'marites' ayan na shinare ko na experience ko. Pero last na nagkita kami tinawanan na lang etong alaalang 'to. Napasaya ko ba kayo? Hahaha,” dagdag pa niya.

'Marian is Marian!'

Paliwanag pa ni Ivy, wala siyang intensyong siraan si Marian sa pagkwento ng karanasan nila.

“I don’t think it would affect what Marian is now. Marian is Marian!” sabi niya.

“I shared my story because it is mine to tell and I have all the right to speak my mind! It may be cringe but it is real and none of it were made up,” pagtatapos ni Ivy.

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with