^

PSN Showbiz

Coco at Julia, apektado ang biyahe sa Africa sa krisis sa Middle East

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia, apektado ang biyahe sa Africa sa krisis sa Middle East
Coco Martin and Julia Montes.
STAR/ File

Naudlot ang biyahe nina Coco Martin at Julia Montes sa Africa!

 Ito sana ang unang pagkakataon na dadalhin ng ABS-CBN ang Kapamilya stars sa Kenya upang magpasalamat sa pagsubaybay sa mga programa nila na umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa.

 Isa sana itong milestone para sa kanila dahil pagkatapos ng mara­ming taon na pagtangkilik ng mga taga-Kenya sa mga Kapamilya teleserye ay makikita nila in person ang magkarelasyon.

Magaganap sana ang Kapamilya Live in Kenya sa Hunyo 28 sa Nairobi Cinema.

Pero lumalala ang gulo sa Middle East at maraming biyahe ang hindi muna itinutuloy.

 Tuluy-tuloy nga raw ang pamamayagpag ni Coco sa Africa kung saan patok sa mga manonood ang serye niyang FPJ’s Batang Quiapo, na kilala sa pamagat na Gangs of Manila at kasalukuyang umeere sa 41 na bansa sa Africa. Tumatak din sa mga manonood sa Africa ang mga teleserye ni Julia tulad ng Ikaw Lamang, Doble Kara, Asintado, at iba pa.

 Nagsimula 10 days ago at iginiit ng gobyerno at militar ng Israel na may kakayahan ang Israel na harapin ang banta ng Iran nang mag-isa. Kaya inaasahan hindi agad matatapos ang nasabing bangayan ng dalawang bansa.

COCO MARTIN

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with