^

PSN Showbiz

Romnick, nawindang sa 16 na abogado ni VP Sara

Pilipino Star Ngayon
Romnick, nawindang sa 16 na abogado ni VP Sara
Romnick Sarmenta.
STAR/ File

Maraming umayon ka Romnick Sarmenta nang i-post niya ang opinyon kaugnay sa kontrobersiya sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.

Oo nga at pa-blind item naman ang post ng mahusay na aktor pero hulang-hula ng mga nakabasa na ang pinatutungkulan nito ay ang impeachment trial nga ni VP Sara.

Aniya sa isang X post, “inosente pero 16 ang kinuhang abogado.”

“Wala. Wala akong masabi…

“Inosente pero labinganim ang kinuhang abogado.”

Dagdag pa niya: “Led by the Holy Spirit pero nagpapalaganap ng fake news.

“Tapos ng pag aabugado pero di nagbabasa ng konstitusyon.

“Nagpapabayad ng buwis pero di nagbabayad.

“Namumuno pero walang pangunguna.

“Wala talaga,” ang buong pahayag ng aktor.

Kilalang matapang si Romnick pagdating sa current issues.

Maaalalang inilabas na 16 na abogado na magtatanggol kay Vice President Sara Duterte.

Ang law firm na Fortun Narvasa & Salazar, na ang pag-enter ng appearance “without prejudice to any jurisdictional and/or other objections” sa kaso ng bise presidente ng Pilipinas.

ROMNICK SARMENTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with