^

PSN Showbiz

Ethel, nagsanla ng mga bahay

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ethel, nagsanla ng mga bahay
Ethel Booba.
STAR/ File

Mag-iisang taon nang aktibo si Ethel Booba sa pagbebenta ng beauty products. Ngayon ay si Ethel na ang tumatayong CEO o Chief Executive Officer ng sariling negosyo. Ang  nobyong si Jessie Salazar umano ang humikayat sa aktres upang sumabak sa pagnenegos­yo.

“Hindi ako ‘yung nakaisip nito. Ang nakaisip nito si Chef (Jessie). Sabi niyang gano’n, ‘Babe, magre-resign ako. Magtitinda tayo ng beauty products.’ Sabi ko, ‘Sigurado ka?’ ‘Oh sige, akong bahala,’” kwento ni Ethel sa YouTube channel ni Karen Davila.

Hindi naging madali para sa singer-actress ang pagpasok sa pagnenegosyo. Kinailangan pa raw ni Ethel na magsangla ng kanyang mga ari-arian para lamang matuloy ito.

“Sinangla ko ‘yung dalawang bahay ko. Kasi no’ng na-perfect ko ‘yung gusto kong sabon, sabi ko panlaban ‘to. Tinesting ko muna sa sarili ko eh. Ito, pang-long term itong ginagawa ko. Kasi ‘yung quality talaga ang talagang mine-maintain namin dito,” pagbabahagi ng komedyana.

Para kay Ethel ay talagang malaki na ang ipinagbago ng kanyang buhay ngayon kumpara noon. Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay maraming mga bagay na ang natutunan ng komedyana sa buhay.

“’Yung pagiging nanay actually, ito ‘yung hinihintay ng mga friends ko. Dati binu-bully nila ako. ‘Uy! Ang tanda mo na, kailan ka ba magtitino? Puro ka na lang party. ‘Di ka ba mag-aasawa, ‘di ka ba mag-aanak?’ Pero na-achieve ko siya. Idasal mo, wala talagang imposible ‘pag sinamahan mo talaga ng dasal. Hindi siya joke, talagang totoo siya. Lalo ‘pag taimtim, ‘yung gustung-gusto mo talaga, ‘yung seryoso ka. Tapos kailangan magpursige ka kung gusto mong magbago ka, kung gusto mong may ma-achieve. Kailangan mo rin paghirapan ‘yan. Work hard, tiyaga, may mga paghihirap talaga eh pero makakaya mo ‘yan,” makahulugang pahayag ng singer-actress.

Ashley, malalim na ang sugat sa ina

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan ni Ashley Ortega at ng sariling ina. Tatlong taon na umano ang nakalilipas nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina. “Honestly, we’re still working on it. Sobrang tagal rin kasi ng three years na hindi pag-uusap and malalim rin po talaga ‘yung sugat na nabigay namin sa isa’t isa,” emosyonal na pahayag ni Ashley sa GMA Integrated News Interviews.

Ayon sa Kapuso actress ay talagang gumagawa siya ng paraan upang makausap ang ina. Matatandaang dumalaw pa si Ashley sa kanilang bahay pagkalabas mula sa Pinoy Big Brother house tatlong buwan na ang nakalilipas pero hindi nakita at nakausap ang ina.  (Reports from JCC)

ETHEL BOOBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with