^

PSN Showbiz

Bianca, tumalak sa ‘biased’ na housemate!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bianca, tumalak sa ‘biased’ na housemate!
Bianca
STAR/ File

Buong ningning na pinagsigawan ni Klarisse de Guzman ang pagmamahal niya sa kasalukuyang partner na si Christina Rey.

Sobrang tuwa ng It’s Showtime hosts nang mag-guest doon si Klarisse lalo na si Vice Ganda.

Bilang pride month, ang pagiging open nila na miyembro ng LGBTQIA ang paksa ng usapin nina Vice Ganda at Klarisse.

Masaya ang lahat na naging bukas si Klarisse sa kanyang tunay na pagkatao nung nasa loob ito ng Bahay ni Kuya.

Hindi rin daw niya akalaing ganun kainit ang pagtanggap sa kanya paglabas niya ng PBB house.

Dati raw kapag tinatanong siya ni Vice Ganda tungkol sa lovelife niya, kung anu-anong pangalan daw ang binabanggit niya.

Pero ngayon ay nasabi na niya kung sino talaga ang totoo niyang partner sa buhay.

Samantala, ang duo nina Klarisse at Shuvee Etrata o ang ShuKla ang sagot ng lahat na housemates sa tanong ni Kuya kung sinong duo ang karapat-dapat na bumalik sa Bahay Ni Kuya.

Tanging ang duo lang nina Brent Manalo at Mika Salamanca ang willing na umalis para makapasok ang ShuKla.

Hindi napigilan ni Klarisse na maging emotional nang magkalaban-laban sila ng mga naiwang housemate. Dati raw kasi ay magkakampi sila, ngayon ay nakakalaban na raw nilang challengers ang limang duos na naiwan sa PBB house.

Mas matindi ang mga susunod na kaganapan sa PBB Celebrity Collab ngayong nalalapit na ang pagtatapos nito.

Tiyak na mainit na naman ang balitaktakan sa X kapag pumili na ang challengers ng duo na pasok sa Big 4.

Ngayon pa lang ay may mga kumokontra na, dahil tiyak na magiging biased daw sila sa pagpili. Kaya nag-react ng host na si Bianca Gonzalez.

Bahagi ng paliwanag ni Bianca na ipinost sa kanyang social media account, “The thing is, as human beings, we all have biases and our preferences are based on our values, beliefs, instincts, experiences.

“Having said that, for me, ang pagiging deserving sa Big Four is way more than just pagpapakatotoo. It is equally, pakikipag-kapwa tao. Not just ‘pakikisama’ but the humanity they showed to each other through the highs and the lows inside the house. And this is something ONLY those in that house have deeply felt and truly know. Sila sila lang ang nakakaalam ng totoong dynamic sa loob ng bahay, and for me. as a former housemate, how you treat others inside the house is just as important as what you did inside the house.

“I believe the ex-housemates are very much qualified to choose one duo to earn a spot in the Big Four.”

Ynez, ipapatanggal na ang nose bridge

Ngayong tapos na ang Mga Batang Riles, naging open na si Ynez Veneracion na pag-usapan ‘yung nabago sa mukha niya.

Noong nagsisimula pa lang ang drama series na ito ng GMA 7, ang daming nagkomento sa mukha niya na parang namaga raw ito, parang laging may kendi, at kung anu-anong bashing ang natanggap niya.

Aminado naman si Ynez na iba raw talaga siya sa mga litrato. Hindi raw mabait sa kanya ang kamera.

Ipinaliwanag niya na may nabago talaga sa mukha niya dahil nung masyadong humpak daw talaga ang mukha niya nung kanyang kabataan.

Kaya nagpalagay raw siya ng fillers sa clinic ni Dra. Vicki Belo.

Twenty years ago na raw ‘yun, kaya natural lang na mag-sag na ito. Kaya ginawan daw niya ng paraan.

Diretsahan na naming tinanong si Ynez kung meron pa ba siyang gustong ipabago sa mukha niya.

“Secret charot! Ayaw tumigil ng potah! Na-bash ka na nga, ayaw mo pang tigilan!” bulalas nito.

“Siguro papatanggal ko lang ‘to,” tinuro niya ang kanyang nose bridge.

“Pababalik ko na lang sa dati.

“Parang hindi ko lang siya nagustuhan. Nagmukha akong witch. O ‘di ba? Huwag n’yo na akong i-bash. Iba-bash ko ‘yung sarili ko.

“Ewan ko ba! ‘Yung gumawa sa akin ng Barbie Barbie na nose, hindi naman Barbie.

“Akala ko ba gagawin mo akong Barbie, nagmukha akong witch!” nakakaaliw na tsika niya sa amin.

BIANCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with