Daniel, wala nang paki sa mga babaeng dinidikit sa kanya

Ang bongga ni Daniel Padilla na sinagot na ang tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya.
Aniya wala na raw siyang pakialam sa mga iyon dahil masyado raw mababaw ang ganun para sa kanya at tumawa na lang ito.
Ang tagal naman na kasi ng mga isyu na iyon na diumano’y nag-cheat daw ang ex ni Kathryn Bernardo at ang dami pang mga babaeng celeb ang nadamay.
Pati nga si Andrea Brillantes ay nakatanggap ng sobrang pamba-bash kahit wala namang pruweba ang mga ito at puro ispekulasyon lang.
Syempre hindi natuwa ang mga basher sa naging sagot ng actor.
Tinawag pa siya ng mga ito na laos at wala na raw ningning.
Ang angas pa raw ng pananalita nito na normal naman nang salita ni Daniel iyon na parang namana ang pagiging astig sa tiyuhing si Sen. Robin Padilla.
Wala naman silang magagawa kung dedma na si Daniel sa mga intriga sa kanya.
Tila hindi matanggap ng mga ito na naka-move on na ito at hindi na apektado sa mga kinasangkutang intriga noon.
Mukhang hindi nga inakala ng mga ito na kakayaning maka-survive ni Daniel sa solo career niya na ngayon ay bumibida sa seryeng Incognito kung saan bongga ang maaaksyon niyang eksena.
Ang ganda nga ng mga feedback doon.
Tantanan na nila ang anak ni Karla Estrada dahil kita naman na happy na siya ngayon at tila naka-focus lang sa career niya.
Hirit nga ng fans niya ay huwag nang i-push ang reunion nila ng ex na si Kathryn na nali-link diumano ngayon sa isang pulitiko.
Ok na ang dalawa sa solo era nila kaya huwag nang ipilit ang ‘balikan.’
‘Kaloka.
- Latest