True ba? Sarah, karelasyon daw ng panalong councilor na anak ni speaker Romualdez?!

Totoo bang in a relationship na rin si Sarah Lahbati?
At sa miyembro ng ultra-rich family.
Diumano’y karelasyon ng actress/ model/influencer sa kasalukuyan si elected Tacloban Councilor Martin “Marty” Romualdez Jr., anak ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez.
Ayon sa isang reliable source, ang suwerte ni Sarah dahil matalino, guwapo at mayaman si Councilor Marty na nag-aral sa Amerika na dating konsehal sa Tacloban.
Medyo hindi pa diumano open ang dalawa sa kanilang relasyon.
Lucky girl kung totoo nga toh dahil of course mayaman ang mga Romualdez.
Bago si Councilor Romualdez ay may ilang sinasabing manliligaw si Sarah.

Nauna nang inamin ni Richard Gutierrez sa isang interview na nasa proseso na ng annulment ang kanilang kasal pagkatapos ng kanilang hiwalayan.
Sa kasalukuyan ay maayos ang setup ng dating mag-asawa – co-parenting setup sa kanilang dalawang anak, Zion at Kai, mula nang maghiwalay sila noong 2023.
Maaalalang ang kanilang breakup ay nakumpirma lang noong Marso 2024 pero walang ibinunyag na dahilan ang dalawa.
Si Sarah ang nagkumpirma sa nasabing hiwalayan nila.
Wala namang kumpirmasyon kung sina Richard at Barbie Imperial ang magkarelasyon sa kasalukuyan.
Hindi naman active sa social media si Councilor Marty.
Ahh sabagay wala namang masama. Maganda naman si Sarah na recently ay nagbiyahe sa Paris para manood ng Roland Garros na sponsored trip naman base sa kanyang mga post.
- Latest