BGYO, magpapa-ibig

Handa nang magpa-ibig ang BGYO sa kanilang bagong dance-pop single tungkol sa pagiging hopeless romantics na pinamagatang All These Ladies na inaalay nila para sa lahat ng mga kababaihan.
Makikita rin ang fresh look ng BGYO members na sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate sa official music video ng kanta na napapanood na ngayon sa kanilang Official YouTube channel.
Handog ng ABS-CBN Music International ang All These Ladies na sumailalim sa recording habang ang grupo ay nasa Los Angeles sa Amerika noong Agosto 2024.
Nagmula ito sa panulat nina BGYO Mikki, BGYO Nate, Ron Robinson Jr., at Ebonie Smith kasama sina Greg Shilling at Stephen Santa Teresa na nagprodyus din ng awitin katulong si Brian Kierulf.
Sinusundan ng All These Ladies ang paglunsad ng BGYO EP noong Marso tampok ang key track nito na Divine.
Samantala, kamakailan ay kinilala ang BGYO bilang Group Performer of the Year sa 6th VP Choice Awards at naging bahagi rin ng Rising Class of 2025 ng Billboard Philippines.
Makakasama sila sa Dream Warrior concert ng BOSSCKM sa Sphere Hall, Emsphere sa Bangkok sa darating na Hulyo 5 (Sabado). Nakatakda naman nilang pangunahan ang TFW event ng MYX sa Riviera Theatre sa Chicago sa darating na Agosto 16 (Sabado). Bukod, dito kaabang-abang din ang magiging performance nila sa Summer Sonic Bangkok 2025 sa Agosto 23 (Sabado) at sa ASAP England sa Agosto 30 (Sabado).
- Latest