^

PSN Showbiz

Kylie, inaming tumitibok na ang puso sa ibang lalaki!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kylie, inaming tumitibok na ang puso sa ibang lalaki!
Kylie Padilla

Simula bukas ay mapapanood na sa GMA Afternoon Prime block ang My Father’s Wife na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Kazel Kinouchi, Jak Roberto at Kylie Padilla. Ayon kay Kylie ay talagang kaabang-abang ang bagong serye ng Kapuso network. “I’m super excited kasi ang ganda ng kwento, Tito Boy. It’s very complex. Actually, kaya lang magkakagulo because of my character. It’s my character that makes the first mistake. Bibigay siya sa temptation,” nakangiting bungad sa amin ni Kylie sa Fast Talk with Boy Abunda.

Si Kylie ay anak nina Robin Padilla at Liezl Sicangco. Si Mariel Padilla naman ang naging asawa ni Robin maglalabinlimang taon na ang nakalilipas. Para kay Kylie ay malayo sa tunay niyang buhay ang kwento ng My Father’s Wife.

“Actually, I was worried about that. Ayoko siyempre i-associate ng mga tao, ‘di ba? Si Tita (Mariel), sumbungan ko siya. Sa kanya ako nagsusumbong when I have a problem. Kasi ayokong madagdagan ‘yung problem ng dad ko. So, kay Tita Mariel na ako dumidiretso. Almost everything na kailangan ko ng tulong, I ask her. Sobrang generous na tao. So sobrang layo,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Naranasan na umano ni Kylie na makaaway ang isang malapit niyang kaibigan. Para sa aktres ay mas masakit ang pangyayaring ito dahil malapit sa kanyang puso ang nakaaway noon.

“Yes, it wasn’t just me, it was the whole family that was affected by this one person did. Sobrang gets ko ‘yung betrayal from a friend. Mas masakit siya kasi mahal mo rin ‘yung tao eh. To be hurt by someone you love. Kasi you never expect that to do that to you. Mas mahirap kapag sa kaibigan nanggaling kasi nagtiwala ka eh,” giit niya.

Samantala, kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Kylie at Aljur Abrenica noong 2021. Dalawang lalaki ang naging anak ng dating mag-asawa. Natuto na umano si Kylie pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

“I’m trying something new kasi hindi ko na-survive ‘yung gano’ng nangyari sa akin. Alam n’yo naman lahat ‘yon. I’m trying something new where I’m trying to understand how God would love. If God can love me and forgive me and come from a place na hindi nauubos, baka kaya ko rin. So, palagi ako nagdadasal na, ‘Teach me how I can love the way You do. Kasi I don’t wanna be shaped by the bad things that traumatized me or that hurt me. Para din sa mga anak ko ‘yon. I want my kids to see that no matter what happened to you still should come from the place of love. ‘Yon ang outlook ko with love right now. Kasi for a time din, naging bitter din ako. The only way I feel I can be healed is Higher Being na. Never nauubos, and I feel like ako nauubos ako. But I feel like, ‘No, kaya Mo ako turuan, please…’” makahulugang pagbabahagi ni Kylie.

Aminado naman ang aktres na mayroon nang bagong nagpapatibok sa kanyang puso ngayon. “Meron naman,” natatawang pagtatapat ng aktres. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with