^

PSN Showbiz

Relasyon ni Kathryn sa pulitiko, fake news?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Relasyon ni Kathryn sa pulitiko, fake news?!
Kathryn Bernardo

‘Kaloka naman ang chika kay Kathryn Bernardo na patuloy na nili-link sa isang pulitiko.

Kumakalat naman daw kasi ngayon na ipinapasara raw diumano ng dalawa ang buong restaurant tuwing nagde-date sila at kinukumpiska raw ang mga cell phone ng mga staff at crew pati na rin ng mga nasa kusina ng resto para hindi makuhanan ng litrato at video ang mga ito.

Pinapipirma rin daw diumano ang mga ito ng NDA o non-disclosure agreement at meron pa raw mga bodyguard para manatili raw talagang pribado ang relasyon nila.

Matagal nang iniintriga tungkol doon ang ex ni Daniel Padilla pero wala namang mahanap na ebidensya na nagpapatunay na meron talaga silang relasyon.

Puro tsismis lang ang kumakalat at walang makapagpakita ng pruweba.

Parang napaka-imposible naman na never talaga silang nakuhanan lalo na at sinasabing spotted din sila sa pampublikong lugar.

Kahit mag-disguise sila ay siguradong may makakakilala sa kanila noh.

‘Kaloka nga na may nag-namedrop pa ng Japanese resto na doon daw nag-date ang dalawa.

Pero wala namang litrato o video.

Kaya talagang hindi dapat tayo maniwala sa mga chika lang.

Sa ngayon ay parang fake news pa iyan habang wala pang litrato noh na magkasama sila.

Kasi parang ‘di naman kapani-paniwala na ganun kahigpit ang kanilang pagtatago.

Eh ano naman kung sakali ngang meron silang relasyon?

Pakialam naman ng ibang tao?

Kaya para sa akin fake news ito. Baka gina­gamit lang si Kathryn.

Well, opinion ko ‘yan at wala kayong pakialam.

Hahaha.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with