Mga pinoy sa Canada, naapektuhan sa ibang nanood ng BINI concert

Noong Biyernes pa lang ay may ilang kaibigan sa Canada ang nagkuwento sa aming medyo mahina ang bentahan ng tickets sa BINIverse world tour sa Vancouver, Canada.
Ginanap ito kahapon sa UBC Doug Mitchell Thunderbird Sports Centre sa Vancouver, BC.
Ang tantiya nila, mga 8k ang capacity nito na talagang pangmalakihang concert. Sa tantiya nila, parang mga 70 percent lang ang na-occupy.
Ang mahal pa raw kasi ng presyo ng tickets na nagkakahalaga ng 36 hanggang 239 Canadian dollars.
Ka-chat ko ang ilang kaibigang tagaroon at namo-monitor nila ang pagsisimula ng concert.
Doon daw kasi sa Canada, karamihan sa mga tagaroon ay naiinis kapag pinababa ang mga bumili ng tickets sa itaas na seats.
Kaya ang karamihan sa kanila ay ayaw na lang bumili ng ticket.
Kung sa mga Pinoy raw ay okay lang ‘yun na nakakahalubilo na nila sa baba ang mga bumili ng murang tickets. Sa mga puti ay ayaw raw ng ganun.
‘Yung ka-chat namin ay hindi niya gaanong kilala ang BINI, kaya nagtataka siya bakit sa ganun kalaking lugar sila nagpa-concert. Mas maganda raw at sosyal ang venue na pinag-concert nina Regine Velasquez, Sharon Cuneta at ilan pang mga malalaki nating singers.
Sa pagkakaalam namin ay itong sa Vancouver ang pinakahuling performance ng kanilang world tour.
Kagagaling lang ‘yun ng Seattle, Washington na mga three-hour drive lang pa-Vancouver.
Jericho, sabit sa endorsement ni Janine
Hindi maiwasang madamay si Jericho Rosales sa media launch ng bagong endorsement ni Janine Gutierrez, ang healthcare plan na iCare na ginanap sa Henry Sy Sr. Auditorium ng St. Luke’s, BGC.
Sa campaign pa lang nila noong April 9 na kung saan may 10 paraw sila sa Boracay na may nakalagay na “Janine Gutierrez, said Yes.”
Ang akala ng karamihan ay nag-propose na si Jericho sa Kapamilya actress.
“Nadamay pa siya,” napangiting pakli ni Janine nang napag-usapan ang campaign na ito sa media launch.
Natuwa si Janine sa naturang campaign dahil nakuha nito ang atensyon ng karamihan.
Pati nga roon sa St. Luke’s ay may nagbigay pa ng bulaklak sa kanya na Jericho ang pangalan. Kaya ang saya at natatawa na lang si Janine.
Ang sabi naman ng President at CEO ng naturang health insurance na si Mr. Geronimo V. Francisco, nagpapasalamat lang daw sila na tinanggap ni Janine ang alok nilang i-endorse ito. Kaya magandang engagement ito sa kanila, pero ang sabi niya, “it’s not a love story, but a life story.”
Priority raw talaga kay Janine ang healthcare, kaya pagkatapos niyang mag-commit sa iCare, ikinuha na raw niya ang kanyang pamilya.
Pati ba si Jericho ay ikinuha na rin niya ng iCare?
“Actually, hindi pa. Mamaya tatrabahuhin natin,” natatawa niyang pakli.
“Pero I got na for my family.
“Ate din kasi ako e. So, apat kaming magkakapatid, ako talaga ‘yung in charge na bumili ng healthcare para sa kanila.
“Pero actually, since there’s so many choices with the iCare plans, kaya na nilang magbayad ng sarili nila.
“So, I was able to get for my parents and my three siblings,” dagdag niyang pahayag.
Nakarating nga raw kay Jericho ‘yung kakaibang campaign na ginawa ng iCare sa Boracay.
Nagulat daw ang aktor nang makita niya ang “Janine Gutierrez, said yes.”
Aniya, “Actually, wala siyang kamalay-malay nu’n na napagbintangan siya sa mga paraw sa Boracay.
“Pati siya nagulat na ‘ah akin to a!’ Pero I really love that campaign kasi e talagang it’s a reminder na before you say yes to anything else, yes to health.”
Tinanong na rin namin kung napapag-usapan ba nila ni Echo ang mga ganitong plano na dapat ay i-prioritize nila ang healthcare sa kanilang magiging pamilya kung sakali?
Aniya, “Well, health talaga napapag-usapan namin. Kasi, with our work, ‘yung trabaho ‘di ba? Medyo physical, puyatan, and emotional din also. So, talagang puhunan namin ‘yung health e, and time lahat naman ganun. So, palagi talaga naming napapag-usapan ‘yung health and how to be healthier whether we check ups or you know para sa pamilya namin. Ako dati sa mga lola ko, ‘yun talaga ‘yung nasa isip ko. So, health is really so important to me. And I’m happy to have a partner in health, aside from iCare na talagang parehong priority sa akin.”
Doon pa rin sa media launch ng iCare ay nilinaw na rin ni Janine ‘yung sinasabi ng iba na parang nag-hard launch daw ng relasyon nila ni Jericho sa burol ng kanyang Mamita Pilita Corrales, at pati na rin kay Nora Aunor.
Ang dami naman kasing natuwa at kinilig sa sobrang suporta ni Jericho kay Janine sa magkasunod na burol sa Mamita Pilita ni Janine at sa Mama Guy niya.
Sabi ni Janine, “Actually, that’s funny because it wasn’t really a hard launch.
“It wasn’t an announcement. Everybody went up para magbigay ng message. Nagpakilala na kung bakit sila nandun, like Diego kumanta, ‘ako po, si Diego, ako po ‘yung apo ni Mamita,’ or even si Sir Gary (Valenciano), ‘I’m here because of Mamita.’
“Like everybody of course parang ‘yun ‘yung introduction mo sa isang event. So, nakakatawa na ‘yung pickup nila was nag-launch. But it was really just an introduction. Siyempre, hindi naman lahat ng tao dun na nakilala na niya. Even ako, like I don’t know everybody there, sa dami ng mga malalapit kay Mamita at kay Mama Guy, so parang polite lang na magpakilala.
“But you’re right, sobrang grateful ko sa support niya talaga, as in sobra-sobra, kaming buong pamilya.”
- Latest