^

PSN Showbiz

Sharon, bagay raw na First Lady

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sharon, bagay raw na First Lady
Senator Kiko Pangi­li­nan at Sharon Cuneta

Nag-oathtaking na si Senator Kiko Pangi­li­nan.

Nanumpa siya noong June 18, 2025 sa Supreme Court of the Philippines kay Senior Associate Justice Marvic Leonen. Kasama ng nagbabalik na senador ang asawang si Sharon Cuneta at ang mom niya at mga anak nila ni Sharon.

Nag-post si Sharon ng photos sa oath-taking ng asawa at binanggit na handa na itong magtrabaho.

“Now Kiko is ready to take office at the Philippine Senate on June 30th! Thank you so much to everyone who voted for him! My Kiko is back to work, this was the oath-taking on June 18, 2025.”

Ang Filipiniana outfit na suot ni Sharon ay gawa ni Jot Losa, at ang skirt ay gawa sa isa sa dalawang malongs na ibinigay sa kanya ng leaders ng Moro Islamic Liberation Front o MILF nang bumisita siya sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao) last month. “I treasure it (them both) so very much. That visit was truly one of the highlights of my life,” ayon kay Sharon.

Pinuri ang mag-asawa at ang suot ni Megastar at isa sa mga comment na nabasa namin ay bagay raw sa kanya ang maging first lady.

Wala pa yatang nakapagtanong kay Kiko kung may plano siyang tumakbong presidente at sigurado namang handa si Sharon kapag nagdesisyon ito. Last election ay tumakbo palang vice president si Kiko, pero hindi pinalad.

Anyway, maaalalang hindi nakasama si Kiko sa mga nanalong senador na nanumpa dahil nasa New York sila nina Sharon at Miguel at dumalo sa graduation ni Frankie Pangilinan.

Fans ni Regine, may hanash na naman sa billing!

May fans si Regine Velasquez na inirereklamo ang billing ni Songbird sa Idol Kids.

Isa si Regine sa judge at sa nakita na­ming pos­ter, nauna sa kanya ang picture ni Gary Valenciano, pero nauna ang pangalan ni Songbird.

Dapat daw nauna ang picture ni Regine dahil original judge siya at si Gary ay bagong judge lang. Pinansin din na mas malaki ang photo ni Gary kay Regine at kung titingnan ang billing ng judges, una nga si Regine, sumunod si Angeline Quinto, sumunod ang pangalan ni Juan Karlos Labajo at last ang name ni Gary.

Pati ang placement ng photo ni Jolina Magdangal na host ng show, pinansin din. Maliit na nga raw ang name ni Jolina, pati larawan nito at placement niya sa poster ay hindi maganda.

Mabuti at walang fans si Robi Domingo na co-host ni Jolina at fans ng online hosts na sina Shanaia Gomez at Emilio Daez na nagreklamo.

Sa amin lang ito, wala kaming nakitang mali o masama sa poster, sa billing at placement ng photo ni Regine.

Saka, kung siya nga ay walang reklamo, ibig sabihin happy siya sa kanyang billing at placement ng photo niya.

Anyway, ang Idol Kids ang makakatapat ng show ni Alden Richards sa GMA 7 na Stars On The Floor. Masaya ito, ang isang show ay sayawan at ang katapat ay kantahan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with