^

PSN Showbiz

TNT Anibersaya, may pa-raffle

Pilipino Star Ngayon
TNT Anibersaya, may pa-raffle
Para sumali sa raffle, i-text lamang ang ‘ANIBERSAYA’ sa 5858.

Bukas sa lahat ng TNT subscriber mula June 17 hanggang July 31 ang TNT Anibersaya Raffle promo na may mga exciting weekly prizes tulad ng iPhones at iba pang smartphones, one-year supply ng data, cash prizes, at marami pang iba. Tampok naman sa grand raffle ang brand new Next Gene­ration Toyota Tamaraw!

Para sumali sa raffle, i-text lamang ang ‘ANIBERSAYA’ sa 5858.

Ang mga TNT subscriber ay makakakuha ng 1 raffle entry sa kada subscription sa selected promos na merong 1-day validity; 2 raffle entries kada subscription sa selected promos na merong 2 or 3-day validity; at 5 raffle entries naman sa selected promos na merong 7-day validity.

Maaaring makaipon ng entries sa iba’t-ibang paraan ng pag-register sa selected promos – sa mga sari-sari store, e-wallet, online store, at iba pang accredited retailers nationwide.

Bawat linggo, iaanunsyo ng TNT ang exciting weekly prizes nito tulad ng latest gadgets at smartphone bundles.

Pagdating naman ng Aug. 6 grand draw, 25 subscribers ang magwawagi ng one-year supply of data, habang isang masuwerteng subscriber naman ang mag-uuwi ng brand new Next Generation Toyota Tamaraw!

Ang TNT Anibersaya Raffle promo ay isa lamang sa maraming paraan ng TNT para makapagbigay ng maximum o ‘MAX’ saya  sa mga KaTropa.

Sa year-long anniversary celebration ng TNT, patuloy itong maghahatid ng ‘MAX’ saya sa pamamagitan ng MAX Malakas na 5G network, MAX Sulit at abot-kayang mga promo, at MAX Exciting na experiences at surprises para sa mga KaTropa!

Walong grand finalists, magtatapatan sa the final showdown

Handa na ang entablado para sa tagisan ng galing at talento ng walong grand finalists sa Pilipinas Got Talent: The Final Showdown ngayong Sabado (Hunyo 21) at Linggo (Hunyo 22) na gaganapin sa The Theater, Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque City.

Sa huling pagkakataon, ipapamalas na nina Ody Sto. Domingo, Femme MNL, JB Bangcaya, Jessie J, Cardong Trumpo, NDDU GNRLS, Carl Quion, at Manza ang lahat ng kanilang mga tinatagong pasabog para makuha ang pinakamataas na boto mula sa manonood at hurados na sina Freddie M. Garcia, Eugene Domingo, Donny Pangilinan, at Kathryn Bernardo.

Sino kaya sa grand finalists ang tatanghaling ikapitong grand winner ng Pilipinas Got Talent? Ang grand winner ng edisyong ito ay makakakuha nga ng P2 milyong grand prize.

Bukod sa final acts ng grand finalists, abangan din ang pasabog na number na hinanda ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Abangan ang Pilipinas Got Talent: The Final Showdown, simula 7:15 ng gabi ngayong weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Mapapanood din ito sa TV5 sa Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m.

Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with