Tapatang housemates vs house challengers

Sa muling pagbabalik nina Ashley Ortega, AC Bonifacio, Michael Sager, Emilio Daez, Josh Ford, Kira Balinger, Vince Maristela, Xyriel Manabat, Shuvee Etrata, at Klarisse de Guzman sa loob ng Bahay ni Kuya ay haharapin nila ang mga dating nakasama para sa isang hamon na makakaapekto sa weekly budget ng natitirang housemates na sina Will Astley, Ralph de Leon, Charlie Fleming, Esnyr Ranollo, AZ, River Joseph, Mika Salamanca, Brent Manalo, Dustin Yu, at Bianca de Vera. Samantala, naging emosyonal naman sina Klarisse, Shuvee, Will, at Ralph dahil sa paghaharap sa isang task.
Mapagtagumpayan kaya ng housemates ang weekly task na ito o tuluyan na silang matatalo ng house challengers ni Kuya?
Abangan ang kapana-panabik na huling dalawang linggo ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition gabi-gabi sa mas pinaaga nitong oras 9:35 p.m. sa GMA Prime.
- Latest