^

PSN Showbiz

Atasha, agang-aga ang acting

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Atasha, agang-aga ang acting
Atasha Muhlach
STAR/File

Ang bongga ng isa sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha Muhlach na bida sa Pinoy adaptation ng Thai film na Bad Genius.

In fairness halatang nahahasa na ang acting skills ng kakambal ni Andres Muhlach dahil sa trailer pa lang ay nagpakitang-gilas na siya.

Marami ang sumang-ayon na promising ang serye ni Atasha.

At mukhang ito na raw ang magiging big break ng unica hija nina Aga at Charlene.

Tingin nga ng mga tagahanga ay si Atasha raw ang nakamana sa acting skills ni Aga.

Epektibo raw ang naging pag-arte niya dahil kinabahan talaga ang nakapanood sa trailer dahil suspense nga iyon.

Noong una pa nga lang ay mataas ang expectations ng mga nakapanood ng orig film kaya naman naintriga sila lalo na nang mapanood nila ang patikim.

Meron namang mga basher na nagkomento na hindi raw nila kayang maniwala na mahirap si Atasha sa serye dahil napakanatural ng pagka-burgis ng mukha nito.

Depensa naman ng iba ay meron naman talagang mga ganon na mukhang burgis pero mahihirap naman na ‘di mo aakalain.

Wala raw duda na bagay naman kay Atasha talaga ang role lalo na at may hawig siya sa bida ng orig.

Kaya ibigay na ito kay Atasha at panoorin muna natin bago manghusga. Ang iba kasi ay pinangungunahan agad.

‘Kaloka. Wait muna natin bago husgahan.

Bongga.

ATASHA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with