^

PSN Showbiz

Ynez, nadisgrasya sa taping

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ynez, nadisgrasya sa taping
Zephanie at Ynez
STAR/File

Ngayong araw na ang finale ng Mga Batang Riles, kaya ang tindi ng mga eksenang kinunan.

Nakatsikahan namin si Ynez Veneracion noong Martes, at naikuwento niyang grabe ‘yung ending ng eksenang kinunan, at naaksidente pa raw siya roon.

Kinunan daw ang eksenang nasusunog sa lugar nila, at may kahoy na pinto siyang bubuksan para makalabas sila ni Jillian Ward.

May kahoy raw sa tabi na natumba at natamaan ang kamay niya.

Totoong kahoy raw talaga na mabigat ang tumama sa isang hinlalaki niya at nagka-fracture ito.

Hindi na raw siya nakatayo sa sobrang sakit, kaya nag-cut na ang direktor.

Dapat ay isusugod na siya sa hospital, pero inawat na sila ni Ynez dahil kinaya naman daw niya.

Meron naman daw medics sa set, pero bumilib si Ynez kay Zephanie na co-actor niya sa naturang series, dahil kumpleto raw ito sa gamit na pang-first aid. “Dito ko nga na-realize. Kapag may mga ganyan, malalaman mo kung sino ang nasa tabi, mag-aasikaso sa ‘yo, may care,” bulalas nito.

Naging close na raw sila ni Zephanie sa set dahil sila raw ang madalas na nagtsitsikahan.

Natapos na ang taping ng Mga Batang Riles, kaya sobrang na-miss na raw niya ang mga kasamahan niya sa seryeng ‘yun.

Puring-puri ni Ynez sina Miguel Tanfelix at Anton Vinzon.

Kyline, iwas magsalita sa lovelife!

Iba rin ang closeness na nabuo sa lead stars ng Beauty Empire.

Nagsimula na itong mag-streaming sa Viu, pero sa July 7 na ito eere sa GMA Primetime.

Ito ang ipapalit sa timeslot ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab.

Sinasabi naman ni Ruffa Gutierrez na kasundo niya agad sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara.

Nagbibigay siya ng payo lalo na pagdating sa lovelife.

Pero hindi na ito gaanong ibinahagi sa amin ni Barbie Forteza nang kinorner namin siya sa media confe­rence ng Beauty Empire.

“Alam n’yo po sa totoo lang, si Ms. Ruffa, minsan po when we asked for it, and even when we don’t, she’s really generous in giving advices. Not just about personal life, but also ‘yung mga work ethics, even sa set, kasi nga having in the industry for so many years, ang dami niya po talagang nasi-share sa amin na mga professional tips, mga advice on how to be a better actor, better artist, how to communicate better on set, ‘yung professionalism, ‘yun po,” pahayag ni Barbie Forteza.

Sinundan namin ng tanong kung pagdating sa personal na isyu, ano naman ang payo sa kanila ni Ruffa?

“E di po ba, sabi n’yo po personal?” paiwas pa ring sagot sa amin ni Barbie.

Kasi kahit anong piga namin sa kanya tungkol sa breakup nila ni Jak Roberto, hindi talaga siya nagbigay ng kahit anong sagot.

At least si Barbie, naharap pa rin niya kami. Si Kyline ay ang bilis tumalilis para hindi na namin siya ma-interview.

YNEZ VENERACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with