May danak ng dugo... KimPau, maglo-lock-in sa ‘Alibi’

Nakaka-intrigang mga karakter ang bibigyang-buhay nina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa pagbibidahan nilang romance-suspense seryeng The Alibi ng ABS-CBN na malapit nang mapanood.
Yup, balik-tambalan nga ang KimPau.
Inanunsyo ito ng ABS-CBN kahapon sa mala-police report na mga larawan na may mga danak ng dugo tampok din ang new look nina Kim at Paulo.
Makikita si Kim na may maikling buhok, makapal na lipstick, at nakasuot ng sexy na damit, habang “bad boy look” naman ang awra ni Paulo.
Kasama sa mga bumubuo ng The Alibi ang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin, writer na si Danica Domingo, at mula ito sa produksyon ng Dreamscape Entertainment – ang parehong grupo sa likod ng patok na serye ng KimPau na Linlang.
Ang The Alibi ang kasunod na proyekto nina Kim at Paulo pagkatapos ng kanilang matagumpay na mga seryeng Linlang at ang Philippine adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim. Bumida rin sila sa box-office hit movie ng Star Cinema na My Love Will Make You Disappear.
Mag-uumpisa nang mag-lock-in taping ang KimPau.
Aktres na nausog, ayaw nang katrabaho ng mga taga-production ng isang network
Ayaw na ulit makatrabaho ng ilang production staff ang isang actress na medyo kontrobersiyal.
Hindi nila makalimutan ang ginawa nito nang kunin nilang guest sa isang taping sa Bicol.
Hindi raw kasi ito napakinabangan nang sabihin sa produksyon ng nasabing TV program na nausog siya at sumakit ang tiyan kaya hindi na niya kayang magtrabaho.
Ano naman daw ang laban nila ‘pag sinabing nausog siya?
At kahit hindi raw nakapagtrabaho ito, paid ang nasabing actress kaya pakiramdam nila, sayang na sayang lahat ang effort at gastos nila sa aktres.
Kaya nababanggit pa lang ang pangalan ng aktres na ito, umiiling na ang mga staff ng isang network.
Medyo kontrobersyal ang aktres at tagaroon sa nasabing probinsya.
- Latest