Zeinab, may paliwanag sa paggamit ng paper plates sa kasal nila ni Ray at P20 million na gastos

Enggrande ang naging kasal nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, Jr. sa Tagaytay noong June 1. Naging kontrobersyal ang pag-iisang-dibdib nila dahil sa diumano’y paggamit ng paper plates sa enggrandeng okasyon. “Kaya may paper plate, dahil sa cocktail area. May pika-pika kasi after the ceremony, before mag-fireworks, para hindi naiinip ‘yung aming mga bisita po and magutom. Nag-ready kami ng mga pika-pika. So that’s a pika-pika. Hindi siya ‘yung sa reception. Actually, lahat na lang pinapansin (ng netizens),” natatawang pahayag sa amin ni Zeinab sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mainit na pinag-usapan ng netizens ang naganap na kasalan. Tinatayang umabot daw ng P20 milyon ang ginastos nina Zeinab at Ray sa kanilang pagpapakasal. “Ako talaga nag-comment ako, OA. Kasi masyado nilang pinapalaki. Even the cake naging P2 million na hindi naman po talaga. And hindi po umabot ng 20 million ‘yung wedding namin. Blessed din po kami sa aming location and design because of our ninong, and the rest po talagang kami na po ‘yon. Kasi we want to honor him lang,” paglilinaw ng sikat na content creator.
Nagbigay rin ng reaksyon si Ray tungkol sa mga komento ng netizens sa social media. “To be honest, na-humble po ako and blessed at the same time. Kasi po gano’n na po kataas ang tingin nila sa amin. Pero ‘yon nga po, hindi naman gumastos ng P20 million po. Pero blessed kami na na-present namin ‘yung elegance and ‘yung wedding na gano’n saka standard. Happy wife, happy life,” nakangiting pahayag ng basketbolista.
Meryll, ayaw makatrabaho si Willie
Espesyal ang relasyon ng mag-amang Meryll Soriano at Willie Revillame. Hindi man magkasama sa bahay ay talagang ramdam umano ng aktres ang pagmamahal ng ama sa kanilang magkakapatid. “I think ‘yung pagiging tatay niya sa aming magkakapatid kasi hindi talaga nakikita ng tao ‘yon eh. Kasi hindi naman kami sumasama sa mga show niya and all that, sa mga activities niya. Hindi kami kita talaga, but he’s just a normal person. He’s a normal father, pinapagalitan niya kami. Tapos susuportahan niya kami. So he’s a normal dad,” pagdedetalye ni Meryll.
Nakilala si Willie sa pagiging magaling na host ng sarili nitong mga programa. Iba’t ibang co-host na rin ang napasikat ng ama ni Meryll. Kahit kailan man ay hindi raw sumagi sa isipan ng aktres na maging co-host din ni Willie sa programa. “No siguro, kasi lumaki na ako sa industriya and I think it really helps na hindi kami magkakasama sa field. Kasi you, guys, are your own person. So, I think deliberately I am happy na hindi kami magkasama sa work,” giit ng dating child star.
Mayroon daw isang pangaral kay Meryll ang ama para na rin sa mga anak ng aktres. “He said that if I want to be successful and if I want to achieve something, I have to wake up early. Sabi niya, ‘Tingnan mo ako. Araw-araw, maaga ako nagigising. Lunch time tapos na ako. I can play golf na. I can do whatever I want to do. Kasi tapos na ako sa mga kailangan kong gawin.’ So I try to instill that din sa mga anak ko. Kaya kahit ang aga talaga ng pasok, morning class talaga ang kailangan. ‘Pag kasama ko siya, tawang-tawa talaga ako sa kanya. Actually, ako ang number one na pinaka-boisterous ang laughter ‘pag siya ‘yung nagju-joke, bentang-benta kasi. Hindi ko alam kung anong meron siya,” kwento ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest