^

PSN Showbiz

Zeinab, bawal tanungin tungkol sa nanay na ipina-ban!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Zeinab, bawal tanungin tungkol sa nanay na ipina-ban!
Zeinab Harake-Parks at Nanay
STAR/ File

Nag-guest ang bagong kasal na Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake sa Fast Talk with Boy Abunda noong Martes para linawin ang mga isyu sa kanilang pag-iisang dibdib noong June 1.

Pero ang isyu sa kanyang inang hindi raw pinapasok sa wedding ay hindi nila sinagot.

Sabi ng ilang taga-Fast Talk ay mahigpit na ipinagbiling huwag itong itanong.

E ‘yun ang talagang isyu at ang daming nag-react sa balitang ito.

Iyon lang ang hindi sinagot ni Zeinab, na hindi naman natin mapilit dahil personal na isyu na ito para sa kanya.

Pero halos lahat na isyu ay sinagot niya, kagaya ng reaction ng ibang netizens na pinagkakitaan daw nila ito dahil sa laki ng views nito sa kanyang YouTube channel.

Nilinaw niya ito sa kanyang FB account na ipinost niya nung kamakalawa lang.

Aniya, “Hindi lahat ng pinopost na video ay kumikita ng pera!

“Dami ko nakikita bawi daw gastos dahil sa views and likes na nakikita nyo. But to be honest, ito yung reality ng social media. Moment and feeling ang gusto ko ma-achieve kaya kahit pwede ko gamitan yan ng music na kikita kami mas pipiliin ko yung feels ng videong mapapanood nyo, kadalasan sa mga videos ko copyright ang music kaya sana bago mag post, alam ang social media rules hehe!”

Pahabol pa ni Zeinab, “Iwas din kayo sa mga fake news. Again, ‘di lahat ng nakikita n’yo online/reuploads ay totoo.”

Sandro, may trauma pa sa gala

Tamang-tama sa Pride month ang showing ng pelikulang Unconditional na naka-schedule sa June 25.

Sinulat at dinirek ito ni Adolf Alix, Jr.

Nagkaroon ito ng premiere night noong Martes na ginanap sa SM North The Block na dinaluhan ng main cast at supporters nito.

Tungkol ito sa isang transman na ginampanan ni Allen Dizon na na-inlove sa straight na babaeng si Rhian Ramos.

Marami sa mga kabadingan ang nakaka-relate rito, pero iisa lang naman daw ang basehan dito, ang pag-ibig.

Si direk Joel Lamangan ang gumanap na isang bading na nakarelasyon ang isang straight na lalaki, pero iniwan siya para sa kanyang asawang babae.

Sa pelikulang ito ay nagpakasal pa rin si direk Joel sa bagong nakarelasyon niyang lalaki na ginampanan ni Marcus Madrigal.

Si Rhian naman dito ay na-in love sa isang transman na ginampanan ni Allen.

Sabi ng Kapuso actress, marami ang makaka-relate sa ganitong klaseng pag-ibig.

“‘Yung message ng movie is love is unconditional and universal, and everyone deserves it.

“I think everyone can relate to it. Kasi, no matter what kind of relationship naman talaga you have, ano e… parang you learn talaga na no matter na alam mo ‘yun, na love is for everyone, na alam mo ‘yun, na walang perfect relationship,” saad ni Rhian Ramos.

Kasama rin sa pelikulang ito sila Elizabeth Oropesa na magaling siya rito bilang isang inang may Alzheimer’s disease, sina Lotlot de Leon, Rico Barrera at Brandon Ramirez.

May special participation din pala rito si Andi Eigenmann dahil kinunan ang halos kabuuan ng pelikula sa Siargao.

Namataan din pala namin sa premiere night ng Unconditonal si Sandro Muhlach na sumuporta rin sa pelikula.

Malapit na ang GMA Gala bilang bahagi ng 75th anniversary nito. Kaya tinanong namin kung inimbitahan siya.

Nakatanggap naman daw siya ng imbitasyon, pero pinag-iisipan pa raw niya kung dadalo siya.

Sa GMA Gala noong nakaraang taon nangyari ang diumano’y panghahalay sa kanya.

Kaya baka bumalik lang sa alaala ng aktor ang masaklap na karanasang ‘yun.

Sa ngayon ay okay naman daw ang pakiramdam niya, at may projects naman daw siyang ginagawa.

“Getting better naman po, kasi, ‘yun nga sunud-sunod naman ‘yung externals ang mga projects, so eto na, bumabawi ako ngayon this year,” pakli nito.

Patuloy raw siya sa pagsuporta sa advocacy na sinimulan ni Gerald Santos, ang Courage Movement na tumutulong sa mga nabiktima at survivors ng sexual abuse at harassment.

“Still supporting naman po sa lahat na mga victims. Basta, just move on. At the end of the day, matatapos naman ito, and kailangan natin lagpasan natin ang mga pinagdadaanan natin in life,” saad ni Sandro Muhlach.

ZEINAB HARAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with