^

PSN Showbiz

Daniel at Louise nagsagupaan, Richard pinagbabaril

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Daniel at Louise nagsagupaan, Richard pinagbabaril
Daniel Padilla at Louise Abuel

Bakbakan din ang mga eksena sa Incognito dahil sa mainit na komprontasyon sa pagitan ng magkapatid na sina Andres (Daniel Padilla) at Jun/Uno (Louise Abuel) at sa pamamaril kay JB (Richard Gutierrez) sa episode noong Lunes (Hunyo 16).

Buong linggong hinintay ng mga manonood ang nasabing paghaharap ng magkapatid dahil dito nalaman ni Andres ang matagal na niyang kinatatakutang katotohanan—na si Jun ay kasing-sama at tuso rin ng kumupkop sa kanya na si Manuel Aguinaldo (Joem Bascon).

Narinig nga ni Andres kay Jun ang planong pagpatay nito kay Sec. Josephine Barrios (Meryll Soriano). Matapos sugatan si Andres, tumakas si Jun at binalaan ang mga kasamahan tungkol dito. Sa kanyang planong pagtakas, nahabol siya ni JB na inutusan siyang lisanin ang lugar. Ngunit ang hindi inaasahan ni JB ay babarilin siya ni Jun nang malaman nito na kasama siya sa pumoprotekta kay Sec. Barrios.

Samantala, matagumpay na nailigtas ni Gab (Maris Racal) si Ninong (Bembol Roco) mula sa kapahamakan, na naging dahilan para bahagyang gumaan ang loob ni Tomas. Ngunit nananatiling nasa panganib ang buhay ng mga Kontraks dahil patuloy silang tinutugis ng mga tauhan ni Manuel Aguinaldo.

Matapos malaman ang katotohanan, ano kaya ang kahihinatnan ng relasyon nina Andres at Jun? Makaligtas kaya ang  Kontraks sa kanilang misyon laban sa tauhan ni Manuel?

Anyway, dedma pa si Ian Veneracion sa balibagan nila ni Maris Racal.

Napapanood ang Incognito gabi-gabi, 8:45 p.m. sa Kapa­milya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with