Parang-in love talaga kay Charo...Dingdong, nasiraan ng sapatos sa sinehan!

Ang galing-galing ni Dingdong Dantes sa pelikulang Only We Know.
Pinagbibidahan nila ito ni Madam Charo Santos na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules.
Kuwento ng ibang level ng pagmamahalan ang pelikula.
Si Dingdong ay isang biyudo rito na nahirapang tanggapin ang nangyari sa asawa na ginampanan ni Max Collins.
Habang si Charo ay hiwalay sa asawa at nag-iisang namumuhay.
Magkakaroon sila ng koneksiyon na hindi nila inasahang mangyayari.
Simple lang ang istorya pero mararamdaman mo ang mga eksena nila.
First time na nagtambal nina Dingdong at Madam Charo at in all fairness, andun ang kilig sa kanila.
Actually, nagmukhang mas bata si Ma’am Charo sa pelikula.
Dahil dun nagkaroon ng pag-asa ang mga malapit sa edad niya na pwede pa palang magkaroon ng isang lalaking pwedeng magmahal sa ‘yo nang wagas.
Samantala, nakakatawa naman ang post ni Dingdong na bumigay ang shoes niya habang nasa block screening.
Caption niya : “Ang gutom na shhhh#OnlyWeKnow.”
Ahh baka raw ‘yun ang lucky shoes ni Dingdong ‘pag may pelikula siya kaya suot niya.
May nag-react naman na ganun talaga ang mayayaman, may favorite shoes kahit ang dami nilang pambili.
Or baka naman daw matagal na ‘yung hindi nagamit ni Dingdong.
Anyway, open-ended ang Only We Know kaya umaasa ang mga naka-relate sa pelikula na baka magkaroon ng continuation ang kuwento ng pelikula.
- Latest