^

PSN Showbiz

Mikee at Heaven, itinama ang pagkakasali sa third party!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Mikee at Heaven, itinama ang pagkakasali sa third party!
Mikee Quintos at Heaven Peralejo

Tinapos nina Mikee Quintos  at Heaven Peralejo ang tsika na may kinalaman si Heaven sa breakup nina Mikee at Paul Salas nang magkasamang nagbakasyon sa Siargao ang dalawang aktres.

Kung totoo nga namang si Heaven ang rason ng paghihiwalay nina Mikee at Paul, bakit sila ang magkasama sa Siargao?

Naunang nag-break sina Mikee at Paul at sumunod ang balitang break na rin sina Heaven at Marco Gallo. Hindi lang malinaw kung saan galing at paano nagsimula na na-involved si Heaven sa breakup nina Mikee at Paul, pero may lumabas na balita.

In fairness kina Mikee at Paul, tahimik ang breakup nila at pagkatapos mapanood si Mikee na umiyak sa Fast Talk with Boy Aunda, walang sumunod na balita. Walang cryptic post at hindi na sumagot si Paul sa interview ni Mikee.

Ganun din sa kaso nina Heaven at Marco, walang ingay ang sinasabing breakup nila at napansin na lang na deleted na ang photos nila sa kani-kanyang Instagram at inisip na lang na hiwalay na sila.

Walang kumpirmasyon, wala na lang sighting sa kanila at ang fans na lang ang nag-isip na hiwalay na sila.

Hanggang lumabas na lang ang isyung si Heaven ang dahilan nang breakup nina Mikee at Paul na fake news pala dahil friends pala sila ni Mikee. Naging masaya ang ilang araw na bakasyon sa Siargao ng dalawang aktres na ang caption sa post nila na “Happy Independence” ay binigyan ng meaning.

Sharon, mas napansin kesa sa steak!

Nasa bansa ang magkapatid na Frankie at Miel Pangilinan at kasama sila ng parents nilang sina Senator-elect Kiko Pangilinan at  Sharon Cuneta at brother nilang si Miguel na nag-celebrate ng Father’s Day.

Sa photo na pinost ni Sharon sa Instagram na may caption na “Our happy Father’s Day dinner last night with the best Dad in the world,” habang kumakain sila.

Bukod sa food na in-order nila, ang short hair pa rin ni Sharon ang napansin at gaya ng dati, may pabor at kontra sa short hair ni Mega. May mga nagpapayo na itigil na nito ang pagpapayat at i-maintain na lang niya ang kasalukuyang timbang.

Dedma na si Sharon sa mga nagpipilit na dahil sa ininom na gamot ang kanyang pagpayat.

Samantala, nagkaroon ng Victory Party at Thanksgiving Party sa pagkakapanalo ni Kiko sa senado. Halos kumpleto ang Pangilinan family at kabilang sa mga kaibigan ni Sharon na dumating sina Fe delos Reyes at Kuh Ledesma.

Kylie, limited talaga sa Sang’gre!

Wala na sigurong mairereklamo ang fans ni Kylie Padilla na feeling nila naitsa-puwera ang isa sa mga bida ng My Father’s Wife sa promo ng Sang’gre.

Wala raw sa AVP si Kylie at absent sa media­con ng fantaserye, mabuti at nilinaw ng concept creator at head writer na nasa AVP ang aktres.

Kaya raw wala ito sa mediacon dahil may ibang schedule. May iba nga raw karakter na wala rin sa mediacon.

Sa pilot episode ng Sang’gre, ipinakita si Kylie, kaya lang dahil namatay ang karakter niyang si Amihan sa 2016 Encantadia, limited ang labas niya sa Sang’gre na hopefully, maintindihan ng kanyang fans.

Anyway, ikinatuwa ng fans niya ang tweet nito sa X na “Hihihi trivia- i helped choreograph mg sisters power stances hihihi #kilig i swear i could be a fight director lol #SANGGRE.”

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with