BINI, ilalabas ang never-before-seen clips ng biniversus chaos!

Hitik sa kilig ang handog ng ABS-CBN YouTube sa paglunsad ng bagong tambalan nina Anji Salvacion at BGYO Gelo para sa inaabangang online movie na The Four Bad Boys and Me. Tampok din sa YouTube ang patok na variety show ng BINI at ang pagbabalik ng Kuan on One at Sparks Camp.
Makakasama nina Anji at Gelo na magpapaulan ng kilig sa movie adaptation ng sikat na Wattpad series ng blue_maiden na The Four Bad Boys and Me sina Harvey Bautista, Dustine Mayores, River Joseph, AC Bonifacio, Brent Manalo, Analain Salvador, Gela Alonte, at Krystal Brimner.
Iikot ang kwento sa nakakaintrigang high school life ng isang babae na magiging close ang pinakasikat na boy group at mapapanood na ito sa Hulyo 31 mula sa direksyon ni Benedict Mique.
Samahan naman ang BINI sa nakakatuwang challenges para sa una nilang variety show na BINIversus, kung saan umabot na sa pinagsama-samang 1.9 milyong views ang episodes nina Colet, Maloi, at Gwen.
Si Aiah naman ang susunod na sasalang bilang game master sa panibagong episode na mapapanood sa Hunyo 18 (Miyerkules) sa BINI YouTube channel.
Mas pinasaya rin ang kulitan kasama ang BINI sa never-before-seen clips sa BINIversus Chaos: Unreleased Scenes na eksklusibong mapapanood ng Super Kapamilya members kapag pinindot ang “join” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Triplehin naman ang saya at chikahan sa ikatlong season ng patok na Bisdak talk show ni Kuantie Melai Cantiveros na Kuan On One kung saan tampok sa unang episode ang bida ng Sins of the Father na si Gerald Anderson.
Abangan din ang iba pang mga bagong bisita na mga Bisdak icon mula sa mundo ng showbiz, social media, beauty pageants, at marami pang iba sa bagong episode na ipapalabas kada Martes sa ABS-CBN Entertainment YouTube at iWantTFC.
Magbabalik din para sa ikatlong season ang kauna-unahang queer dating show sa Pilipinas na Sparks Camp kung saan 10 gwapong camper ang magpapakatotoo at magpapakitang-gilas pagdating sa aminan ng feelings para mahanap ang kanilang mutual spark kasama ang host na si Mela Habijan.
Mas pinakilig ang bagong season tampok ang bago nitong location sa mga bundok at mapapanood ito simula ngayong Hulyo.
- Latest