^

PSN Showbiz

Alden, palihim ang iyak nung pumasok sa vietnal filmfest!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alden, palihim ang iyak nung pumasok sa vietnal filmfest!
Alden Richards

Umaayos na ang kondisyon ni Alden Richards ngayon matapos makaranas ng depresyon noong isang taon.

Kamakailan ay naibahagi ng Kapuso actor ang kanyang mga pinagdaanang pagsubok sa nakalipas na taon. “I have never been better. Right now, after recovering from that, actually in our daily lives hindi mo naman talaga sasabihin na naka-recover ka eh. I mean, in situations like that hindi mo masabing, ‘Ay! Okay na ‘ko.’ Hindi siya gano’n. Sabi nga ni Ancient One sa Doctor Strange film, you never really lose your demons. You just learn to live above them. And I’m above demons right now. I know how to manage them,” makahulugang pahayag ni Alden sa 24 Oras.

Malaki umano ang naitulong ng mga pinagkakaabalahan ng binata katulad ng  pagbibisikleta, pagtakbo at pagwo-workout upang bumuti ang sarili. “During my lowest, pinipilit ko siya. Even with the days na ayokong bumangon. Pinipilit ko siya until such time na hinahanap na siya ng katawan ko. Right now, I’m more present. I’m more present for myself. So I can be present for other people,” paglalahad pa ng Kapuso actor.

Samantala, bukod sa pagiging aktor at TV host ay sumabak na rin si Alden sa pagiging isang direktor. Bahagi ng Da Nang Film Festival 2025 sa Vietnam ang pelikulang Out of Order na kauna-unahang ginawa ng Asia’s Multimedia Star bilang Direktor. Mapapanood ito mula June 29 hanggang July 5. “Umiyak ako niyan in secret when we got the news. They were very glad to know na ito ‘yung very first directorial job ko. So it’s a newbie director and they’re a fan of that. Gustung-gusto nila ‘yung new blood, and hopefully, sana kahit paano manalo tayo ng award,” pagtatapos ng baguhang direktor.

Kira, inggit na inggit sa buo ang pamilya

Habang nasa loob pa ng Pinoy Big Brother house ay naibahagi ni Kira Balinger sa publiko ang tungkol sa pamilyang kanyang pinanggalingan. Aminado ang aktres na talagang lubos ang pangungulila sa ama habang lumalaki pa lamang siya noon. “Sad to say, but I do come from a broken family. My mom and dad separated (when I was) at a very young age. I was only 11 or 12 years old. So growing up without a father figure, sobrang hirap po para sa akin. Especially when I would go to the mall, ‘pag nakikita ko ‘yung ibang family na kumpleto masaya silang kumakain, tumatawa, naiinggit po ako. I can’t lie, naiinggit po talaga ako. I can’t lie and say that I was okay, na I was full of love when I really needed a father the most,” pagbabahagi ni Kira sa YouTube channel ni Karen Davila.

Ngayon ay nagkaayos na ang dalaga at ang amang British. Nabunutan umano ng tinik sa dibdib si Kira dahil sa pangyayari. “It was only recently, si dad po na-stroke po siya. Talagang naging sobrang sampal po siya sa akin. Kasi when you’re angry ‘di ba, hindi mo na naiisip ‘yung mga bagay-bagay na, ‘Oh, they could go at any minute.’ If any of my parents would go, hindi ko rin po mapapatawad ang sarili ko for not making use of the time for loving them, for giving back and forgiving them,” giit niya.

Nangangarap si Kira na muling magkasama sa iisang bubong ang kanyang mga magulang. Nais maranasan ng aktres na muling mabuo ang pamilya. “Even if they don’t get back together, basta makita ko lang sila na nagsasama sa isang bahay sobrang okay na po ‘yun sa akin. ‘Yon po ang pangarap eh. Kahit hindi po kami mangarap ng sobrang taas basta makita lang namin ‘yung parents namin na happy, even if it’s just for the companionship, sobrang okay na po ‘yon,” giit ng Kapamilya actress. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with