Kris sa bicol na nakatira?

Ahh totoo bang sa Camarines Sur na nakatira si Kris Aquino?
Parang ang layo naman.
Totoo naman na maganda sa Caramoan, Camarines Sur, pero paano kung kailangan niyang dalhin sa hospital?
Marami na akong naririnig na magaganda ang resort doon pero ‘yun nga parang nalalayuan ako.
Ang kuwento sa akin, kasama niyang namumuhay doon si Bimby at ilang loyal staff.
Hay, ipagdarasal ko talaga na umaayos ang kalagayan ni Kris at muli siyang maging masaya sa buhay.
Laswaan sa social media, talamak na
Ba’t ganun parang wala nang kadisentihan sa social media.
May mga nagpapakita sa akin ng mga kalaswaan ng ibang mga influencer.
Ganun na ba ngayon? Wala nang moral values ang karamihan para lang sa kanilang content?
Nakakaloka. second black box ng air india, nahanap na
Talagang parang ang hirap isipin nung nangyari sa Air India.
Ilang minuto lang bago nag-take off ayun na bumulusok na pa-ibaba.
Ayon sa latest report na nabasa ko, narekober ng mga imbestigador sa India ang pangalawang black box mula sa London-bound Air India Boeing 787 na bumagsak sa lungsod ng Ahmedabad, na ikinamatay ng hindi bababa sa 279 katao.
Isang pasahero lamang ang nakaligtas sa 242 na pasahero at tripulante na sakay ng nasabing eroplano nang bumagsak ito noong Huwebes sa isang residential area ng Ahmedabad, na ikinamatay ng hindi bababa sa 38 katao sa lupa.
May sakay itong 169 Indian nationals, 53 British nationals, isang Canadian at pitong Portuguese nationals. Makikita sa footage na mababa ang paglipad ng eroplano bago nawala sa likod ng mga gusali na sinundan ng pagsabog.
Hindi mo talaga alam ang mga magaganap sa ating buhay.
Isipin mo ‘yun, mga pami-pamilya na nagbakasyon lang o sinundo lang ang kanilang mga mahal sa buhay pero hindi na nakarating sa pupuntahan.
- Latest