Presyuhan ng mga ticket sa concert nina Regine at Vice, pang-foreign artist

Naka-post na sa Instagram nina Regine Velasquez at Vice Ganda ang poster ng muling pagsasamahan nilang concert billed Super DiVas The Concert. This is happening on August 8 and 9 at the Smart Araneta Coliseum.
Maganda ang poster at dito pa lang, marami na ang gustong makabili na ng tiket.
Saka, hindi na kailangang maglagay pa nina Regine at Vice Ganda ng caption sa kanilang post, tama na ang poster na pang-promote.
Mabibili ang ticket sa concert umpisa sa June 22 at ang Ticket Prices: Platinum 15,000; SVIP 12,000; VIP 8,000; Patron 6,000; Lowerbox 4,000; Upperbox 1,500 at GA 500.
Hindi nasunod ang nabanggit ni Regine na hindi muna siya magko-concert after ng Valentine’s series niya.
Matutuwa si Songbird na marami ang excited na mapanood uli sila ni Vice sa concert at sa Araneta pa.
Naaliw lang kami sa mga comment na sana seryoso ang concert dahil siguro kay Vice. May nag-comment pa na sana talagang pang-Diva ang concert. May mga nag-comment din na ibebenta nila ang kanilang kidney para makabili ng tiket sa concert dahil hindi nga naman mura ang ticket sa platinum, pang foreign artist.
Baka naman dahil tatlong oras ang concert kaya ganun ang presyuhan ng mga ticket.
- Latest