^

PSN Showbiz

Sikat na artista na choosy sa trabaho, ‘di natanggihan ang offer sa abroad

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

NAKATISOD kami ng balitang may gagawin daw pelikula sa abroad ang isang sikat na artista. Eh nabanggit sa amin kung saan ang shooting pero na­ngako kaming ihindi muna ito ibibisto!

Mabenta pa rin ang sikat na artista kahit minsan-minsan na lang gumawa ng movie. Pero choosy siya sa project na gagawin.

Siyempre, not everybody will like na mabenta pa rin ang artista. Eh may nagtitiwala pa rin kaya bakit naman siya tatanggi?

Bea at jowa, ‘di na kailangang umamin

Ke soft o hard launch, ipinagmalaki  ni Senator Bong Go ang pagbati sa kanyang kaarawan ng rumored couple na sina Bea Alonzo at Vincent Co. May screenshot na ipinakita ang senador sa pagbati sa kanya ng diumano’y magkarelasyon.

Very visible talaga sa socmed ang rumored couple matapos makita sa events na may kinalaman sa negosyo ng lalaki,

Pero wala pang pag-aamin mula sa dalawa. Eh hindi na naman kailangang ipasigawan pa ng dalawa ang relasyon, huh!

Baka mausog at mabulilyaso muli ang buhay pag-ibig ni Bea after Dominic Roque na kay Sue Ramirez naman nagpapakaligaya!

Klarisse susugalan ni Vice

PINALABAS man si Klarisse de Guzman sa Bahay ni Kuya sa PBB Collab matapos silang ma-evict ni Shuvee Etrata, nabiyayaan naman siya ng pagmamahal ni Vice Ganda na handang mag-produce ng concert para sa kanya!

Eh hindi naman totally sa merits ng isang housemate ang tanging basehan upang ma­ging Ultimate Housemate.

Kinulang sina Klarisee at Shuvee sa boto upang maisalba sa eviction!

Ngayon, handa nang harapin ni Klarisse ang kanyang singing career at with Vice ba­cking her, maipakikita na niya sa lahat ang kanyang angking talento!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with