^

PSN Showbiz

Mayor Vico, unaware sa ‘loveteam’ nila ni Catriona?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico, unaware sa ‘loveteam’ nila ni Catriona?!
Catriona Gray.
STAR/ File

Once lang daw nagkita

Isang malapit kay Pasig Mayor Vico Sotto ang nagsabi na hindi masyadong aware si Mayor Vico na may nagaganap na pagli-link sa kanila ni former Miss Universe Catriona Gray.

As usual, busy raw ito sa trabaho at hindi naman masyadong nakatutok sa social media.

Pero kinumpirma ng source na minsan lang daw nagkita sa isang event sa BGC sina Mayor Vico at Catriona. Casual introduction lang diumano ang naganap kaya mayroon follow-han sa Instagram.

Pero hindi naman daw ibig sabihin nu’n ay may ligawan agad.

Awss. Dami pa namang umaasa na magiging sila.

Singer-actress, nawalan ng malaking endorsement

Aww nakakahinayang naman na nawalan ng isang malaking endorsement sa isang major company ang not so active singer–actress

Nahirapan daw kasi ang agent ng kumpanya na makipag-negotiate sa representative ng singer–actress na very amateurish. Very wannabe businessman daw ang nasabing rep ng nabanggit na celeb.

Bad client daw ang karanasan nila kaya nag-decide nang ilaglag ng nasabing major company si singer–actress.

Sayang din. May binanggit ang source na amount ng talent fee sana nito.

At ang lalaki pa namang magpa-billboard ng kumpanyang ito.

Sa panahon ngayon, ang dami nang option ng mga kumpanya bagama’t iba pa rin ang dating ‘pag established name ang may hawak ng isang produkto.

O baka naman hindi talaga interesado ang singer–actress dahil mayaman na ang pamilya nito at mabubuhay nang magarbo kahit tumanggi sa malaking endorsement na tulad nito.

Panonood ng sine, hindi na talaga pang-masa

Sa totoo lang, pang-mayaman na ang panonood ng sine.

Hindi mo na pwedeng sabihin na makaka-relate ang masa sa kuwento ng isang pelikula dahil sa bayad pa lang nito, hindi na pang-masa.

Sa isang mall sa Quezon City, P530 ang bayad tho may libreng popcorn at bottled water naman.

At hindi ka na ring pwedeng manood anytime, may number of screening na lang sa isang araw.

Yes, wala na talaga ‘yung dating ‘pag naisipan mong manood ng sine, pwede kang maghintay ng oras lang.

Ito halos kalahating araw ang pagitan ng schedule ng pagpapalabas ng isang Tagalog movie.

At paano kung ayaw mo ng popcorn at may water ka nang baon?

Hahaha.

Pero iba talaga ang experience ‘pag sa sinehan ka nanood. Iba ang quality kesa sa pinanood mo lang sa TV o tablet.

Iba ang saya at of course malamig dahil sa malakas na aircon.

Anyway, kasi rin naman level up na ang mga sinehan. Recliner na ang mga upuan at parang more than 50 lang ang capacity.

Parang dinisenyo na talaga para sa mga block screening.

Kaya nakakahinayang na hindi gaanong tinatao ang mga sinehan.

In a nutshell, hindi pang-masa ang panonood ng sine sa kasalukuyang panahon.

Matagal nang ganito ang sistema kaya naman talagang marami na ang umaapela na sana’y magbaba ng bayad sa mga sinehan para naman masanay ulit ang mga tao na manood ng sine.

CAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with