Atasha at Andres, nire-request sa Bagets: The Musical

Naghahanap ang mga nasa likod ng Bagets: The Musical ( na mapapanood sa first quarter of 2026) ng triple threat performers — marunong kumanta, sumayaw at umarte — para gampanan ang mga iconic role na pinasikat nina William Martinez (Tonton), J.C. Bonnin (Toffee), Herbert Bautista (Gilbert), Raymond Lauchengco (Arnel) at Aga Muhlach (Adie) sa pelikulang Bagets noong 1984.
Magkakatuwang itong gagawin ng Viva Entertainment, The Philippine STAR and Newport World Resorts kasama ang PETA (The Philippine Educational Theater Association) bilang line producer.
Mahigit apat na dekada na ang lumipas nang pilahan sa mga sinehan ang pelikulang Bagets na tungkol sa buhay ng limang lalaking teenager habang sila ay nag-navigate sa pagkakaroon nila ng edad, nakikipaglaban sa mga isyu sa pamilya at pagkakaibigan, pati na rin sa mga usapin ng lovelife.
Ang namayapang si Maryo J. de los Reyes ang nagdirek nito na isinulat ni Jake Tordesillas para sa Viva Films.
Naging iconic ito na tumutukoy sa isang henerasyon.
Nakatakdang magbukas ang Bagets: The Musical sa Enero 23, 2026 sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts. Ito ay sa direksyon ni Maribel Legarda ng PETA (Rak of Aegis) at isinulat ng artistic director at award-winning na screenwriter ng PETA na si J-mee Katanyag (Lilet Matias, Attorney-at-Law at Maria Clara at Ibarra).
At para maging bida, ayon kay Direk Maribel tulad sa mga theater actor kailangan nila ng may triple threats. “In the ideal world, they can sing, dance and act. And they can do everything equally or maybe stronger at some. Sana meron tayo.”
Inaasahan din ng direktor ang pagsasama ng mga bagong talento sa palabas na ito na ngayon pa lang ay ang dami nang excited balikan ang saya ng kanilang kabataan na naramdaman sa pelikula noon: “Gusto rin namin na maging tulad ng dati, which was a platform to find new young talents that would be interesting. We want it coupled with the mothers. ‘Cause we are really planning to make the mothers another set of characters here, the ermats,” pahayag ni Direk Maribel sa ginanap na presscon nito sa Viva office last week.
Binigyang-diin din ni Direk Maribel na napakahalaga ng casting. “Pagsasama-sama ng tamang grupo ng mga tao — 90 percent na iyon ng iyong trabaho. At the end of the day, iyon ang makikita ng mga tao. The ones who could bring the best of the storytelling.”
At nang tanungin kung may chance bang magbida rito ang mga anak nina Aga Muhlach and Charlene Gonzalez na sina Atasha and Andres bilang mga alaga sila ng Viva at magandang pagkakataon ito para sa kambal na mapanood sa entablado, sinabi ni Baby Gil, Viva executive na ito ay isang open call casting at lahat ay imbitado na mag-audition.
Aminado rin ang production ng Bagets: The Musical na challenging at medyo mahirap talaga ang paghahanap nila ng mga bibida rito particular na sa limang lead character.
Base raw ito sa characterization. Tulad daw halimbawa sa role ni Aga bilang si Adie, na isang boy-next-door, cute, baby-faced, na kailangang character na hahanapin nila.
Magsisimula ang mga audition sa huli ng Hulyo hanggang unang bahagi ng Agosto.
Sinabi naman ni PhilStar Media Group EVP Lucien Dy Tioco na ito ay isang groundbreaking production para sa PhilStar Media Group at ang target audience aniya ay, “The target market for the musical is both the old and younger generations. The titas of Manila for sure and their husbands.
“We’re hoping that the younger generation would take great interest because I see a lot of Gen Z that are buying a lot of vinyl… There’s a huge interest in that genre of the ‘80s by the young and the curiosity for analogue,” pahayag niya.
Nauna nang sinabi ni The Philippine STAR CEO Miguel Belmonte na: “The Philippine STAR is delighted to be part of this exciting initiative. Bringing ‘Bagets’ to the stage is a perfect fit with our commitment to powerful storytelling.
“We’re thrilled to see this iconic film reach a new generation of Filipino audiences through this innovative musical adaptation,” dagdag pa ni Sir Miguel na excited na sa partnership ng Viva, Newport at STAR.
- Latest