Ara at Cristine, patalbugan sa pagmo-move on!

Ang bongga naman ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes na nagbilad ng kaseksihan sa beach.
Pinost ni Ara ang photos at video nila na may caption na “Sister waves . . . unforgettable escape” na walang duda na ang gaganda ng kurba ng katawan.
Para nga raw mga dalaga ang dalawa na hindi halatang mga nanganak na.
Mukhang nag-a-unwind sila dahil sa pagkatalo ni Ara sa nakaraang eleksyon habang si Cristine naman ay tila nagmo-move on na sa diumano’y hiwalayan nila ng actor na si Marco Gumabao.
Nananatili namang tahimik si Cristine at tikom sa intrigang hiwalay na sila ng kapatid ni Michele Gumabao.
Ang bongga nga na parang paatras ang edad ni Ara na parang hindi tumatanda.
May napatanong nga kung paano raw nagawa ng misis ni Dave Almarinez ang magkaroon ng ganu’ng katawan.
Sinagot niya iyon na sinunod daw niya ang kanyang doctor na parehong doktor din ng mga nagseseksihan at naggagandahan na sina Sylvia Sanchez at Lorna Tolentino na sinulat ni Salve kamakailan dito rin sa Pilipino Star NGAYON at PM. At mine-maintain na lang daw niya ang programa ng doc niya at may susubukan pa raw siyang produkto na magiging available soon.
Hindi nga pinagdadamot ni Ara ang sikreto sa magandang katawan niya ngayon na lahat ng nagtatanong ay sinasagot talaga niya.
Pero hindi mawawala ang mga basher na inakusahan pa si Ara na edited ang litrato niya kaya sobrang sexy raw nito.
Na parang hindi naman dahil makikita rin naman sa mga video na talagang pumayat na siya.
Bongga.
- Latest