^

PSN Showbiz

Vice, apektado sa paglabas ng ShuKla sa PBB!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice, apektado sa paglabas ng ShuKla sa PBB!
Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman.
STAR/ File

Ang tindi ng reaksyon ng fans ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab nang ma-evict ang ShuKla duo nina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman.

Ang tindi ng bashing sa AzVer duo nina AZ Martinez at River Joseph dahil sila ang nag-no­minate sa ShuKla, at binigyan nila ng 3 points kaya napasama ito sa tatlong duo na nominado.

Kahit solid ang suporta ng ShuKla fans sa pagboto na manatili sila sa Bahay Ni Kuya, lumamang pa rin ang AzVer ng konting puntos lang.

Pati ang broadcaster na si Kara David ay affected dahil fan din pala siya ng ShuKla.

Sa tindi ng galit ng ShuKla fans na umabot na sa pagsumpa kina AZ at River, may death threats pa at sobrang harsh na ang mga ibinabatong komentong ipino-post sa X.

Pati tuloy si Vice Ganda ay nakisali na rin sa bangayan dahil sobrang toxic na ang mga nababasa sa X.

Isa sa post ng Unkabogable Star ay nagpapaalala na sa fans na grabe na ang mga sinasabi online. “Paalala sa mga OA at shungang faneys. Kung talagang mahal nyo yung mga bet nyo umayos kyo. Dhil sa kagaguhan nyo ung mga bet nyo pa mapapahamak at mapapaaway. Ending nyan sila pa mahhiya at manliliit pag nagkasalubong sila ng mga inookray nyo kahit wala naman silang kaalam-alam.”

Very vocal ito sa kanyang suporta kay Klarisse na naging regular judge sa Tawag ng Tanghalan.

Sinasabi rin ng comedian/TV host na naniniwala siya sa galing ni Klarisse kaya ipinag-produce niya ito ng concert noon. May nakaplano pa raw sila this year, pero napasok lang ito sa PBB. Pero ngayong nakalabas na, itutuloy na raw nila ang isa pang concert na gagawin nila para kay Klarisse.

Ang saya ng ShuKla nang nasa labas na sila ng PBB house.

Sumakay pa si Klarisse sa habal-habal, dahil ‘yun daw ang gusto niyang gawin pagkalabas niya ng Bahay Ni Kuya.

Punung-puno naman ng mga tao ang kalye sa labas ng PBB house para sumuporta kina Klarisse at Shuvee.

Nai-post pa nga ni Bianca Gonzalez sa X na ito raw ang pinakamatagal na pagsalubong sa PBB evictee, at talagang naramdaman ang init ng pagtanggap sa ShuKla.

Ang cute rin ng pagsalubong kay Shuvee ng guwapong model at gino-groom ng Sparkle na si Anthony Constantino, na rumored boyfriend ng Cebuanang Sparkle artist.

Sinalubong din si Klarisse ng girlfriend niyang si Christina Rey, na nataon pang pride month. Kaya “love wins” sabi nga niya.

Hanggang kahapon ay trending pa rin sila.

Nadagdagan naman followers si Shuvee.

Angelica, maraming inayawang trabaho

Puwedeng-puwede nang bumalik sa trabaho si Angelica Panganiban pagkatapos niyang manganak at dumaan sa matinding challenge sa kanyang kalusugan.

Matindi rin kasi ang hirap na pinagdaanan niya nang ma-diagnose siya ng avascular necrosis kung saan natamaan talaga nang husto ang kanyang beywang.

Pero ngayon ay okay na okay na raw siya.

‘Yun ang isa sa masayang ibinahagi niya sa amin nang makatsikahan namin siya sa Virgin Labfest sa Tanghalang Ignacio Gimenez ng CCP noong Sabado.

Back to acting na siya, pero sa entablado muna na mas mahirap pa.

Bida siya kasama ang character actress na si Peewee O’hara sa isang stage play na Don’t Meow for Me, Catriona.

Sa totoo lang, marami na raw na inalok na projects kay Angelica, pero tinanggihan daw niya ito lahat.

Naghihintay lang daw talaga siya ng magandang material na worthy sa oras na ibibigay niya.

Itong ginawa niya sa  Don’t Meow for Me, Catriona ay talagang nagustuhan daw niya ang script nang mabasa niya ito. Kaya tinanggap niya ito.

Ang ganda pa raw ng material, dahil kuwento ng relasyon ng mag-ina.

Ang dami raw niyang natutunan sa pag-arte sa isang stage play.

SHUKLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with