Pancho tanggap na? Max Collins, in a relationship na sa rich spanish businessman?!

In a relationship na diumano si Max Collins.
Isang rich Spanish guy nga raw ang bagong karelasyon ng Kapuso actress na madalas ngayon sa abroad base sa kanyang mga post sa social media.
Legally separated na sila ng ex-husband niyang si Pancho Magno base sa kanyang interview noong October 2024.
Si Max ang nag-file ng divorce dahil isang American citizen ang actress.
May ilang nag-akala na may chance na magkaroon sila ng reconciliation dahil recently ay nakikita silang magkasama sa mga school event ng anak nilang si Skye na kamakailan ay nag-moving up.
Maaalalang ikinasal sila ni Pancho noong December 2017 at nabalitang naghiwalay sila noong 2021.
Pero hindi sila nagsiraan sa social media. Nanahimik at bumalik sa maayos na samahan ang dating mag-asawa para sa nag-iisa nilang anak.
“That’s our priority lalo na ‘pag sa school. Wala namang ano... okay naman. Mas okay nga kami ngayon actually ngayon, kasi lumalaki na rin si Skye so eventually, we really have to explain dahil magtatanong na ‘yun,” sagot ni Pancho nang makausap namin siya kamakailan.
“But, ang pinaka-okay kasi sa ‘min like hindi lang siya friends, kay Mom, sa mga kapatid ko. It happens but as long as everyone’s okay naman and happy, and healthy si Skye...” may himig na pagmamalaki pa ni Pancho sa maayos nilang setup ng dating misis.
“Iba ‘yung closeness, I mean, meron talaga kaming nabuong parang ibang friendship nung naghiwalay kami. Ngayon mas... nagkukwentuhan kami, okay naman, co-parents talaga,” kumpirma pa ng Kapuso actor.
Na inasahan daw talaga niya na mas magiging ok sila ng dating misis. “Oo, and I know naman, knowing Max ever since na nakilala ko siya talagang alam mo ‘yun, alam ko na magiging okay kami.”
Noong nakausap namin siya ay wala pang nababalitang may ibang karelasyon si Max.

Pero sinabi ng actor na nasa stage na talaga sila na pwede na silang magkaroon ng kanya-kanyang bagong karelasyon.
“Yeah, oo naman. Well, sa akin, ‘yung sa amin ni Max, I always say this, sa lahat ng mga naging interview namin... naging best friends talaga kami before kami ikinasal. So, siguro kapag meron na talagang nakikita ko na potential, I have to ask permission siguro or just to say lang. Yeah, I mean, ako I’m not expecting naman sa kanya pero ako sa akin lang siguro better na, ewan ko, let’s see but I’m not naman seeing anyone.”
Noong time na kausap namin masaya raw siya (Pancho) para sa actress lalo na nga at nakikita niya kung gaano ito ka-sexy ngayon. Tho wala pa raw itong binabanggit tungkol sa bagong karelasyon: “I don’t know. Wala siyang sinasabi. Basta happy lang ako na maganda ‘yung katawan niya, fit siya. Kasi malaki na ‘yung anak namin... mabigat po si Skye. Kasi nakikita ko ‘yung generation namin ang late na mag-anak. Nare-realize mo, maiiwan na kami ng anak namin. So, ‘yun lang, happy ako na fit siya and okay siya.”
Kapag nagkaroon ba si Max, mahi-hurt ka? May kurot?
“No, naging barkada lang kami, close kami.”
So talagang barkada na? “Yeah. Kahit birthday nga binibigyan ko siya ng gift, tina-try ko even Mother’s Day. Barkada, walang kahit na ano.”
In fact, regular din ang communication nito sa kanyang mom, si Ms. Redgie Magno, retired executive ng GMA 7.
“Oh yeah, and close din siya kay Mom. Minsan kunwari wala ako, kailangan niyang sunduin si Skye, si Mom nagsusundo. Tapos minsan nga parang tinu-tour pa ni Skye si Mom ko sa bahay ni Max. Happy ako na alam mo ‘yun compared na hindi kayo maging okay,” pagwawakas ng chikahan namin kay Pancho.
- Latest