Pinay Ms. Chinatown Global, interesado sa showbiz

Bilang selebrasyon ng 50th anniversary of diplomatic relations sa pagitan ng Philippines and China, as well as the 15th anniversary ng CHiNOY TV, ang nangungunang platform for Chinese Filipino stories, inilabas nila ang special new documentary titled Chinese by Blood, Global by Heart.
Ang nasabing international adaptation of the acclaimed Chinese by Blood, Filipino by Heart expanded its focus mula Chinese Filipino experience to the broader global Chinese diaspora, pagbabahagi ng mga salaysay na nagpapakita kung paano nag-intersect ang pagkakakilanlan, pamana, at layunin sa isang mabilis na konektadong mundo.
Pero bago ito ipalabas, nagkaroon ng exclusive screening sa Red Carpet Cinema in Shangri-La Plaza kung saan napanood ang one-hour preview of the documentary, which featured behind-the-scenes moments from the inaugural year of Mr. and Ms. Chinatown Global kung saan ang Pilipinas ang nag-uwi ng koronang Ms. Chinatown Global 2025 (Khryss Go), habang isang Malaysian ang nakasungkit ng Mr. Chinatown Global, si Byron Sng.
Bukod sa cash prize ang ganda rin ng exposure ng dalawang nanalo ng korona. “Sobrang honored and privileged. Kasi hindi ko talaga ini-expect, dahil even 10 lang kami sa pageant, pero grabe ‘yung caliber ng candidates. Sobrang outspoken at ang gaganda talaga.
“Ako overwhelmed kasi kakabalik ko rin lang talaga sa pageantry, kaya super grateful ako na ako ang nanalo,” pahayag ni Khryss Go.
At idolo niya sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na parehong dating Miss Universe.
“Talagang makikita mo na confident talaga sila, na iba rin talaga ang kalibre nila, kaya sila nanalo. So, gusto kong sundan ang mga yapak nila,” dagdag ng ChiNOy beauty queen.
At tulad nina Pia and Catriona, handa rin siyang mag-showbiz. “Yes, kung may offer po talaga, why not? Hopefully makapag-showbiz din ako,” kaagad na sagot ni Khryss.
Kasabay nito ay naganap din ang formal contract signing between CHiNOY TV and Virtual Playground Co., ang official franchise holder for Mr. and Ms. Chinatown Global Philippines. “It is a great honor for us at Virtual Playground Co. to take on this meaningful role. As we embark on this journey, we are committed to uplifting the Chinoy community by celebrating individuals who carry with them the pride, heritage, and potential of Chinese-Filipino excellence,” sabi ni Charlie Dy, CEO ng Virtual Playground Co.
Ganundin ang pagpapakilala sa Hua Magazine, na kung saan ay mababasa ang kuwento ng pageant winners.
Ang Chinese by Blood, Global by Heart ay mapapanood sa June 29, 2025, at 8:30 p.m. sa Bilyonaryo News Channel — Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Converge Channel 74, and SkyCable Channel 33.
New episodes will air every Sunday at 8:30 p.m., with replays every Saturday at 8:30 p.m.
- Latest