Chinkee Tan, pinangalanan sina Aga, Richard at Coco na pinakamahusay sa pera

Ang dami naming naiuwing tips mula sa financial guru na si Chinkee Tan kahapon.
Siya ang kauna-unahang guest sa paghahanda ng 86-year-old Kamuning Bakery Cafe para ipagdiwang ang 10th anniversary ng non-partisan Pandesal Forum ngayong 2025 kung saan inanunsyo ng may-ari nitong si Wilson Flores ang isang landmark series of talks na idinisenyo upang magbigay ng inspirasyon, turuan, at bigyang kapangyarihan sa mga Pilipino mula sa lahat ng antas ng buhay.
Sinimulan nga ang lineup ng financial guru na nagsalita tungkol sa Financial Independence, Money Tips, and Success Strategies kahapon ng tanghali. Susundan ito ng nobelista at propesor na si Danton Remoto sa July 21, Sabado, na magbabahagi naman ng mga insight sa Writing Fiction at How to Get Accepted by a Global Publisher.

Anyway, sa kanyang talk, nagbigay si Chinkee Tan ng mga tip sa pag-iipon ng pera, pamumuhunan, literatura sa pananalapi, disiplina sa paghawak sa pera at pananagutan sa pera.
Binanggit din niya ang tatlong celebrities para sa financial prudence, ang mga aktor na sina Aga Muhlach, Richard Gomez at Coco Martin.
Si Aga nakasama niya sa ilang pelikula kaya nasubaybayan niya ang naging journey nito sa paghawak ng mga kinita niya sa showbiz,
“Nung kumikita siya, ang ginawa niya... Actually, nung una, parati siyang ubos. He was really spending. Na-bankrupt ‘yun.

“Tapos nga nung natuto na siya, nung kumikita na siya, ang unang investment niya sinabi niya sa akin, lupa. He bought properties.
“Second investment niya na alam ko, mga franchise, alam ko. Bumili siya ng mga franchise.
“Third, na hindi alam ng tao, collector ‘yan paintings. Sobrang daming paintings ni Aga.

“Ngayon pa-yate-yate na lang ‘yan. May sariling yate na ‘yan.
“And then nag-branch out siya, and isa pang magandang nung nag-expand siya, he expanded based on his core competence. He did not engage in any other business ventures. Nagtayo siya... Nag-production siya.
“Alam n’yo ba ‘yung pelikulang Miracle in Cell No. 7.
“How much money did it make? He was one of the producers. Ang laki nang kinita nu’n.
“That movie is more than enough to really set him up for life,” kuwento pa ni Chinkee na sa totoo ay ang simple lang pero ang dami nang pinayaman dahil sa kanyang mga libro tulad ng My Ipon Diary.
Pangalawang alam niya na dapat tularan ng lahat ay si Cong. Richard Gomez.
“Sobrang very shrewd but very wise.
“Sobrang galing nung, magaling mag-invest sa property.”
“Third for me, na magaling talaga ay si Coco.
“Aside from may cash cow siya, ‘yung Probinsyano at Batang Quiapo, ngayon may business na rin siya. May dishwashing business siya,” sabi pa ng wealth coach na dapat pakinggan ng maraming panay ang shopping para sa kanilang social media accounts gamit ang kanilang credit card.
Samantala, ang pangalan ng Pandesal Forum pala ay nagmula kay Senator Grace Poe (na pahinga muna sa pulitika) bilang diumano’y tugon sa mga unang sesyon na inorganisa ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) at pinangasiwaan nga ni Wilson Lee Flores, ang may-ari at civic advocate ng Kamuning Bakery Cafe.
At ang pinakaunang tagapagsalita noong 2015 ay sina former vice president Jejomar Binay at noo’y opposition senator now President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang nagsimula bilang kaswal na kapihan-style na pag-uusap ay naging isa sa mga pinaka-respetadong civic at cultural initiative sa kasalukuyan.
“For 10 years, the Pandesal Forum has been a space where ideas rise like dough—slow, steady, and transformative. We welcome thinkers, doers, and dreamers because progress begins with dialogue,” pahayag pa ni Wilson Lee Flores, moderator and visionary behind the forum.
- Latest