Rhian, na-brokenhearted!

Hindi naging madali para kay Rhian Ramos na masaksihan ang pagkatalo sa nakaraang eleksyon ng kasintahang si Sam Verzosa. Matatandaang tumakbo sa pagka-alkalde ng Maynila ang nobyo ng aktres.
“I have to say, I was a bit brokenhearted for him. Kasi ‘pag mahal mo ‘yung isang tao, you don’t want them to be in pain, ‘di ba? Ayaw mo silang makita na malungkot. I was scared na siya ‘yung mabo-brokenhearted,” pahayag sa amin ni Rhian sa Fast Talk with Boy Abunda.
Napaiyak umano ang nobyo sa dalaga dahil sa nangyari. “Iniiyakan niya din ako eh. I mean, understandable. He has every right naman kung iiyak siya for himself kasi malaki ‘yung tinaya niya. At saka everyday niyang pinaghirapan ‘yon. Pero ‘yung iniyakan niya sa akin, ‘yung mga na-let down niya daw na mga tao,” pagbabahagi ng aktres.
Dahil sa mga naranasan sa nakaraang eleksyon ay lalong nakapagpasya si Rhian na huwag subukang sumabak sa pulitika. “Dati sinabi ko ayoko, ayoko. Nagbago na isip ko. Ayaw na ayaw ko na pala. Ayoko talaga, ang lungkot kasi. Siguro just based on what I’ve seen and what I’ve experienced. Parang I feel like politics is a system that might even work against you pa nga eh. So ayun, depende,” natatawang paglalahad ng dalaga.
Madalas na umanong napag-uusapan ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. “Yes, we talk about it. We started off like joking about it when we watch TV or something. Or when we see something wedding-related. Now we just talked about it. It comes up in random moment. It feels that way. We seem to be naman on the right path towards that. Grabe what we’ve been through together lately. When you can go through something like that, it just strengthens you pa eh. I’m very grateful with that experience,” pagtatapat ng aktres.
Samantala, simula bukas ay mapapanood na ang Encantadia Chronicles: Sang’gre kung saan kabilang si Rhian. Gagampanan ng Kapuso aktres ang karakter ni Mitena na isang kontrabida. “It was very challenging for me emotionally para laging ma-reach ‘yung level na ‘yon of hate, anger, pain, evil, gano’n para umabot ako sa gusto kong pumatay, sumakop, manakit. First thing na ginawa ko nung natapos ‘yun, nagpa-Botox ako agad. Sabi ko masyado akong nagalit, gusto kong hindi gumagalaw (‘yung mukha ko), like ayoko nang magalit. Ang intense, parang for the next two months, parang gusto ko na lang magpa-spa, magpaganda, magpa-relax, magpamasahe, magpaayos ng mga kung anu-ano, gusto ko ng magandang skin. That’s a long time to be angry everyday. It takes a toll. And siyempre dahil mahal namin ‘yung mga characters namin ang trabaho namin, we’re game to do it pero nakaka-wrinkles siya, nakaka-stress siya. Hindi siya nakaka-fresh,” natatawang pagdedetalye ng aktres. — Reports from JCC
- Latest