^

PSN Showbiz

Marian nagparinig, may pinagseselosan?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian nagparinig, may pinagseselosan?!
Marian Rivera

‘Kaloka na ayaw pa ring tantanan ng mga basher si Marian Rivera dahil lang nagkita ulit ang mister niyang si Dingdong Dantes at ex nitong si Karylle sa It’s Showtime kamakailan.

Ikinokonek nila ang ni-repost ni Marian na may quote na “DON’T F**CK WITH ME” sa reunion ng dalawa.

Tingin daw ng mga ito ay hindi nito gusto diumano ang pagkikita ng mag-ex na parang malabo naman dahil sobrang tagal na mula nang maghiwalay ang mga iyon noh.

Naka-move on na ang lahat kaya dapat mag-move on na rin ang mga basher.

Depensa nga ng mga follower niya ay nauna pa ang post niya sa guesting nina Dingdong at Karylle kaya huwag na nilang lagyan ng malisya pa ang nire-repost ng nanay nina Zia at Sixto.

Kaya payo na lang sa kanya ay iwasan na lang niya ang mag-repost at mag-like ng mga ganun para hindi siya mahanapan ng butas ng mga basher.

Biro pa nga ng iba ay baka naman daw si Charo Santos ang pinagseselosan ni Marian na ka-loveteam ni Dingdong sa pelikulang Only We Know.

‘Kaloka talaga ang mga tao ngayon.

Bong, ‘di iniwan

Nakakaloka ang mga pangyayari ngayon. Talagang parang merong konting kaguluhan.

Mabuti na lang at naging maayos ang eleksyon.

In fairness maganda ang resulta. Halos lahat ng elected karapat-dapat at for me isa lang ang medyo hindi ko matanggap.

Kahit pa nga number 14 si Bong Revilla siyempre hindi pa rin nakasama sa top 12, pero ‘pag susumahin mo na sa rami ng candidates at number 14 ka, means na marami pa ring nagmamahal sa kanya.

Ok lang, pahinga muna sa Senado pero marami pa ring projects na ginagawa para tumulong sa tao.

Kahit wala siyang posisyon, hindi iyon hadlang para sa pagtulong ni Bong Revilla. Para rin si Pinky Tobiano na talagang kahit walang hihinging pabor sa isang tao bukas ang palad para tumulong.

At isa pang maganda kay Pinky talagang kahit anong oras nandiyan sila ni Anya para ibigay ang anumang tulong na puwede nilang ibigay.

Saludo ako sa mga ganitong tao na talagang maaasahan at malalapitan mo anumang oras.

Bongga.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with