Nanay ni Zeinab Harake, ‘di pinapasok sa wedding reception nila ni Ray Parks?!

Naintindihan namin kung bakit talagang ipinagbawal nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, Jr. ang coverage sa kanilang kasal noong June 1 na ginanap sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay City.
Inilabas na nga ito nina Zeinab sa kanyang vlog kamakailan lang. Sa loob ng apat na raw ay mahigit 9 million views na.
Ang ganda ng lugar, ang ganda ng setup at napakaganda ni Zeinab sa kanyang Michael Cinco wedding gown.
Nakikita talagang pinaghandaan nang husto, ginastusan. Kaya ganun na lang ang paghihigpit nila na walang magkuha ng pictures at videos at bawal i-post.
Pero pagkatapos nitong na-upload sa vlog ni Zeinab, may pagka-nega na ang sumunod na naglabasan.
Merong naglabas ng kuha ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga na kumakain sa reception na naka-paper plate raw.
Kaya nagtanong ako sa ilang nakadalo kung totoo bang paper plate ang gamit sa reception, pero walang sumagot sa kanila.

Pero bonggang-bongga raw sa reception.
Sa laki at ganda ng lugar, imposible nga namang paper plate ang gagamitin sa reception.
Pero ang isa pang kanegahan na lumabas ay ikinalat sa isang blog na chat sa ina ni Zeinab na si Mariafe Ocampo.
Hindi namin ganun kakilala ang sikat na content creator, kaya wala kaming ideya kung ano ang isyung personal ng mag-ina.
Pero lumabas ang isang chat na sinasabi ng nanay ni Zeinab na hindi raw siya pinapasok sa venue ng kasal.
Mahigpit daw na bilin ni Zeinab sa wedding coordinator na huwag siyang papasukin. Kaya umuwi na lang daw siya.
Parang eksena sa pelikula ‘yung nasa gate na ang ina ng bride, pero hindi pinapasok.
Nakakapagtaka lang dahil kung hindi ka nga imbitado, bakit ka pupunta at paano nalaman ang detalye ng kasal?
Pero wala tayong alam kung ano talaga ang totoong kuwento, at mahirap husgahan si Zeinab bakit hindi welcome ang ina. Ang ama lamang nito at kapatid ang naghatid sa kanya sa altar.
Kinabukasan ay nag-post itong ina ni Zeinab na kuha sa isang restaurant sa Silang, Cavite na nag-bulalo raw sila.
Kuha ‘yun noong June 1 sa mismong araw ng kasal ng kanyang anak.
Nakabihis naman ito, at mukhang dadalo sana siya sa isang kasal.
Nakita naman sa ilang post nito na masaya pa silang sumasayaw noong nakaraang taon.
Sasagutin kaya ni Zeinab ang mga isyung ito? Puwedeng panibagong content na naman ito sa YouTube channel niya.
Paolo, nagtuturo ng tamang acting
Inilunsad na pala noong May via online ang bagong grupo ng Sparkle Campus Cuties ng GMA 7.
Mga guwapo at talented na bagets sila galing sa iba’t-ibang paaralan.
Isa sa promising doon ay ang 16-year-old na estudyante ng College of St. Benilde sa La Salle na si Kiko Antonio. Siya ang tinagurian nilang Moreno Mover ng Taft.
Dalawampung finalists ang napili ng Sparkle para i-workshop at titingnan kung promising at puwedeng sumikat.
Pero nag-aaral pa silang lahat at hindi naman sila ine-encourage na isantabi ang pag-aaral para i-prioritize ang pag-aartista.
Sabi nga ng Campus cutie na si Kiko Antonio, “Natutunan ko po sa loob ng workshop ay ang pagbalanse ng pag-aaral ko, at saka ‘yung tamang paraan kung paano umarte, sumayaw, kumanta, at magsalita sa harap ng camera.”
Kamakailan lang ay si Paolo Contis ang nagturo sa kanila kasama sina Kokoy de Santos at Matt Lozano.
Sabi pa ni Kiko, “Ang natutunan ko naman po kay Sir Paolo Contis ay ‘yung mga dapat gawin upang umasenso at magtagal sa mundo ng showbiz.
“Nagkuwento rin po sila kung paano nila narating kung saan sila ngayon.”
Sabi naman ni Paolo, comedy workshop daw ang tinuro niya sa mga bata.
“Nag-scene work lang sila, kasi binigyan ko sila ng script. I gave advice pagdating sa delivery ang timing ng lines. Pati ‘yung mga natutunan ko through the years, and working with the best comedians, na-share ko rin sa kanila,” pakli nito.
Nakitaan naman daw niya ng magandang future ang karamihan sa kanila. Pero siyempre ang pinakamahalaga roon ay determinasyon sa career na gusto nilang tahakin.
“Masipag sila e, and very determined to learn. Lahat naman merong potential as long as nakikinig sila at willing matuto,” sabi pa ni Paolo Contis.
- Latest