^

PSN Showbiz

Alden, may gagawing Hollywood film!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden, may gagawing Hollywood film!
Alden Richards

Lumipad na kahapon pa-Amerika si Alden Richards at sabi sa 24 Oras, pumunta ang aktor sa Amerika para paghandaan ang gagawing Hollywood film. Hindi malinaw kung ang pelikulang gagawin niya ay kanyang pagbibidahan o ito ‘yung nabalita na iko-co-produce niya.

Masusundan ang biyahe niya sa ibang bansa dahil siguro naman, gugustuhin niyang dumalo sa world premiere ng Out of Order, sa Da Nang Asian Film Festival sa Vietnam. Naka-schedule ito sa June 29 to July 5.

Kasama sa filmfest ang nabanggit na pelikula which he directed and co-produced. Co-writer din siya at siya rin ang lead actor.

Kasama niya rito sina Heaven Peralejo at Nonie Buencamino. Apat na film festival pa raw ang sasalihan ng movie bago ipalabas sa Netflix.

Sunud-sunod nga ang schedule ni Alden this June dahil sa June 28, premiere naman ng Stars On The Floor sa GMA na siya ang host.

Bea at jowang bilyonaryo, nagpakilig sa ‘sale’

Nakakatuwa ang netizens sa mga naiisip nila na may kinalaman kina Bea Alonzo at Vincent Co. Dahil spotted na naman ang dalawa sa Bash Grocer Warehouse Sale na organized ni Bea and her team, may mga idea na namang naisip ang netizens.

Nakita na may pagka-Puregold ang dating ng pa-warehouse sale ni Bea ng kanyang Bash Manila products dahil green ang namayaning color sa venue. Mula sa green shelves, arrangement ng products, hanggang sa grocery basket na kulay green. Hindi raw malayong mangyari na magkaroon ng tagline na “Aling Basha,” na kagaya sa Aling Puring ng Puregold.

Ang Basha ay galing sa pangalan ng karakter niya sa movie na ginawa nila ni John Lloyd Cruz.

Anyway, hindi lang Bash Manila products ang ibinenta sa warehouse sale, may fruits, vegetables, tote bags, t-shirts at iba pang products. Ang haba ng pila ng mga dumating sa warehouse sale at baka magkaroon ng part two.

Nag-enjoy rin ang netizens dahil hindi lang si Bea ang kanilang nakita dahil present din si Vincent. Kinilig ang fans na makitang suportado nito ang event ng rumored girlfriend. Looking forward sila for more events na present ang dalawa na kung tawagin ng fans ay BeViCo.

Kelvin, matagal pinaghandaan ang brilyante!

Bukas na June 16, 8 p.m., sa GMA ang ang world premiere ng Encantadia Chronicles: Sang’gre at makikilala na ng Encantadiks si Adamus. Siya ang Slave Prince at tagapag-alaga ng Brilyante ng Tubig.

Gaya sa ibang sanggre, dumaan sa matinding training si Kelvin Miranda for his role and character.

Two years din ang inilaan niya sa training at paghahanda, kaya excited na ang aktor sa magi­ging pagtanggap ng viewers sa Sang’gre at sa role niyang si Adamus.

Hindi pa rin makapaniwala ang aktor na ‘yung dating pinapanood lang niya na Encantadia, sa bagong version nito ay kasama na siya sa cast. Hindi lang basta kasama kundi isa pa sa mga bida.

Nabanggit din ni Kelvin na umaasa siyang magbukas pa ng maraming pintuan sa career niya ang Sang’gre at ‘pag dumating ang time na ‘yun, ready siya.

Matutuwa pala ang GMA kay Kelvin dahil ang sipag mag-promote sa kanyang Instagram. Ang dami nitong pinost na videos, reels, photos, posters at iba pang pubmat patungkol sa fantaserye.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with